Laoang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office

Directions

Laoang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (OFFICIAL PAGE) EMAIL ADDRESS: [email protected]
HOTLINE NUMBER: 09700788948
RADIO FREQUENCY: 167.075

24/7 AT YOUR SERVICE

27/09/2026

HAPY BIRTHDAY IRONMAN! 🎂🎂🍸

‼️🚨 EMERGENCY MEDICAL RESPONSE REPORTPetsa ng Insidente: Setyembre 24, 2026Oras ng Insidente: 2344HAng Tumawag: Ailene A...
24/09/2026

‼️🚨 EMERGENCY MEDICAL RESPONSE REPORT

Petsa ng Insidente: Setyembre 24, 2026
Oras ng Insidente: 2344H
Ang Tumawag: Ailene Ailene Villacortes Bol-anon
Tumugon sa Insidente: TEAM BRAVO (OpCen)

Nakatanggap ang opisina ng tawag hinggil sa isang "FALL INCIDENT" sa Barangay Langob, na kinasangkutan ng isang 38-anyos, lalake, residente ng nasabing lugar, na nakararanas ng matinding sakit sa lower back at halos hindi makagalaw matapos mahulog mula sa terrace ng kanilang bahay. Ayon sa initial assessment, may mataas na suspetsa ng traumatic lumbar spine injury dahil sa mekanismo ng pinsala (fall from height) at sintomas (severe lumbosacral pain, limited mobility). Ang biktima ay nasa ilalim rin ng impluwensya ng alak, kaya limitado ang reliability ng self-report at kailangan ng masusing neurological evaluation. Sa agarang pagtugon, agad na ginawa ang manual in-line stabilization, minimize ang paggalaw, at ang ambulance para sa transport sa GB Tan Memorial Hospital upang mabigyan ng karagdagang pagsusuri at karampatang gamutan.

Sa direktang pangangasiwa ng MDRRMO Head na si Gng. JOEY B. ACEBRON, para sa mga biglaang hindi inaasahang sakuna o pangyayaring may kinalaman sa panganib at nangangailangan ng agarang pagtugon, maaaring makipag-ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office – Laoang Operations Center sa pamamagitan ng mga sumusunod na Emergency Hotlines:
📟 Radio Frequency: 167.075
📱 Telepono: 09700788948






24/09/2026
‼️🚨 EMERGENCY MEDICAL RESPONSE REPORTPetsa ng Insidente: Setyembre 22, 2026Oras ng Insidente: 1655HAng Tumawag: Bj Bajas...
22/09/2026

‼️🚨 EMERGENCY MEDICAL RESPONSE REPORT

Petsa ng Insidente: Setyembre 22, 2026
Oras ng Insidente: 1655H
Ang Tumawag: Bj Bajas
Tumugon sa Insidente: TEAM CHARLIE (OpCen)

Nakatanggap ang opisina ng tawag hinggil sa isang "drowning incident" sa Mampirac, Barangay Cahayagan, na kinasangkutan ng isang 7-anyos, babae, residente ng nasabing lugar, nanghihina at hirap sa paghinga ang biktima.
Sa agarang pagtugon, sa pagsundo sa Brgy Mualbual, binigyan agad ng pangunahing lunas at kinuha ang kanyang vital signs at nagbigay ng 5L ng oxygen para sa paunang pagtatasa ng kanyang kalagayan. Matapos maisagawa ang kinakailangang panimulang interbensyon, siya ay maingat na isinugod sa GB Tan Memorial Hospital upang mabigyan ng karagdagang pagsusuri at karampatang gamutan.

Sa direktang pangangasiwa ng MDRRMO Head na si Gng. JOEY B. ACEBRON, para sa mga biglaang hindi inaasahang sakuna o pangyayaring may kinalaman sa panganib at nangangailangan ng agarang pagtugon, maaaring makipag-ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office – Laoang Operations Center sa pamamagitan ng mga sumusunod na Emergency Hotlines:
📟 Radio Frequency: 167.075
📱 Telepono: 09700788948






🚑MDRRMO Standby Medical SupportBilang bahagi ng mandato ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRR...
20/09/2026

🚑MDRRMO Standby Medical Support

Bilang bahagi ng mandato ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nagsagawa ng medical standby duty ang mga emergency medical responder sa iba’t ibang aktibidad ng pista, kabilang ang Kantahan sa Pista, Cultural Night, at Rave Party.

Layunin ng deployment na matiyak ang agarang pagtugon sa anumang insidenteng maaaring mangyari habang isinasagawa ang mga programa. Kabilang dito ang pagbibigay ng paunang lunas sa mga dumalo na maaaring makaranas ng pagkahilo, dehydration, pagkapagod, minor injuries, pananakit ng ulo, muscle cramps, at iba pang medical concerns.

Bukod sa pagbibigay ng paunang lunas, nakipag-ugnayan din ang MDRRMO sa mga event organizers, security personnel, barangay officials, at iba pang katuwang na ahensiya upang mapanatili ang maayos na daloy ng programa at matiyak ang mabilis na pagresponde sa anumang insidente.

Ang ganitong standby medical operation ay nagpapakita ng patuloy na dedikasyon ng MDRRMO sa pangangalaga ng kaligtasan at kapakanan ng komunidad. Sa pamamagitan ng maagap na paghahanda, koordinasyon, at mabilis na pagtugon, naipagdiwang ng mga mamamayan ang mga aktibidad ng pista nang mas ligtas, maayos, at panatag.

MDRRMO: Handa sa bawat pagkakataon, maagap sa pagtugon, at laging naglilingkod para sa kaligtasan ng lahat.

Sa direktang pangangasiwa ng aming MDRRMO Head, Ms. Joey B. Acebron, para sa mga biglaang hindi inaasahang sakuna o pangyayaring may kinalaman sa panganib na nangangailangan ng agarang pagkilos, hinihikayat ang publiko na agad na makipag-ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office – Laoang Operations Center sa pamamagitan ng mga sumusunod na Emergency Hotlines:

📟 Radio Frequency: 167.075
📱 0970-078-8948






‼️🚨 EMERGENCY MEDICAL RESPONSE REPORTPetsa ng Insidente: Setyembre 20, 2026Oras ng Insidente: 2123HAng Tumawag: Christin...
20/09/2026

‼️🚨 EMERGENCY MEDICAL RESPONSE REPORT

Petsa ng Insidente: Setyembre 20, 2026
Oras ng Insidente: 2123H
Ang Tumawag: Christine Ann Irinco
Tumugon sa Insidente: TEAM CHARLIE (OpCen)

Nakatanggap ang opisina ng tawag habang naka- standby medic ang duty personnel sa Cultural Night at Rave Party kagabi, hinggil sa isang aksidente sa Barangay Burabod, na kinasangkutan ng isang 17-anyos, babae, na masakit ang kanang tuhod at isang 29-anyos, lalake, na nagtamo ng mga gasgas sa labi at kanang kamay, mga residente ng Catarman N. Samar. parehong may malay at nkakausap ang mga biktima.
Sa agarang pagtugon, binigyan ng pangunahing lunas at kinuha ang kanyang vital signs para sa paunang pagtatasa ng kanyang kalagayan. Matapos maisagawa ang kinakailangang panimulang interbensyon, siya ay maingat na isinugod sa GB Tan Memorial Hospital upang mabigyan ng karagdagang pagsusuri at karampatang gamutan.

Sa direktang pangangasiwa ng MDRRMO Head na si Gng. JOEY B. ACEBRON, para sa mga biglaang hindi inaasahang sakuna o pangyayaring may kinalaman sa panganib at nangangailangan ng agarang pagtugon, maaaring makipag-ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office – Laoang Operations Center sa pamamagitan ng mga sumusunod na Emergency Hotlines:
📟 Radio Frequency: 167.075
📱 Telepono: 09700788948






‼️🚨 EMERGENCY MEDICAL RESPONSE REPORTPetsa ng Insidente: Setyembre 19, 2026Oras ng Insidente: 1355HAng Tumawag: Tumugon ...
19/09/2026

‼️🚨 EMERGENCY MEDICAL RESPONSE REPORT

Petsa ng Insidente: Setyembre 19, 2026
Oras ng Insidente: 1355H
Ang Tumawag:
Tumugon sa Insidente: TEAM CHARLIE (OpCen)

Nakatanggap ang opisina ng tawag kaninang tanghali hinggil sa isang aksidentei sa Barangay Burabod, na kinasangkutan ng isang 17, at 26-anyos, mga lalake, residente ng Pambujan N. Samar, may mga malay, na nagtamo ng mga gasgas sa mga paa at hita.
Sa agarang pagtugon, binigyan ng pangunahing lunas at kinuha ang kanyang vital signs para sa paunang pagtatasa ng kanyang kalagayan. Matapos maisagawa ang kinakailangang panimulang interbensyon, siya ay maingat na isinugod sa GB Tan Memorial Hospital upang mabigyan ng karagdagang pagsusuri at karampatang gamutan. Naendorso ang pasyente 2:30 ng hapon.

Sa direktang pangangasiwa ng MDRRMO Head na si Gng. JOEY B. ACEBRON, para sa mga biglaang hindi inaasahang sakuna o pangyayaring may kinalaman sa panganib at nangangailangan ng agarang pagtugon, maaaring makipag-ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office – Laoang Operations Center sa pamamagitan ng mga sumusunod na Emergency Hotlines:
📟 Radio Frequency: 167.075
📱 Telepono: 09700788948






‼️🚨EMERGENCY MEDICAL RESPONSE REPORTPetsa ng Insidente: Setyembre 18, 2026Tumawag: Kap Jun EspiñaOras ng Insidente: 1940...
18/09/2026

‼️🚨EMERGENCY MEDICAL RESPONSE REPORT

Petsa ng Insidente: Setyembre 18, 2026
Tumawag: Kap Jun Espiña
Oras ng Insidente: 1940H
Tumugon sa Insidente: TEAM BRAVO (OPCEN)

Nakatanggap ang aming opisina ng tawag hinggil sa isang insidenteng medikal na galing sa Barangay Inamlan. Ang biktima ay isang 80-anyos na babae, residente ng nasabing barangay. Pagdating ng duty, naabutang may malay, nanghihina at kawalan ng gana.
Sa mabilis at maayos na koordinasyon,isinagawa ang paunang pagsusuri at kinuha ang kanyang vital signs, na nagtala ng mga sumusunod:

SPO2 – 88%
PR-168bpm
Temperature – 36.4
BP – 120/80mmHg
RR-16bpm

Batay sa mga nakalap na datos, ipinakita ng pasyente ang mga palatandaan na kinakailangang masuri nang masusi at mabigyan ng karampatang atensiyong medikal.
Matapos maisagawa ang mga panimulang medikal na hakbang, ang pasyente ay maingat na isinugod sa GB Tan Memorial Hospital, Laoang, Northern Samar para sa karagdagang pagsusuri, monitoring, at naaangkop na gamutan. Ang agarang pagtugon ng mga rumespondeng tauhan ay nakatulong upang matiyak na ang biktima ay agad na madala sa pasilidad na may kakayahang magsagawa ng mas malalim na assessment at intervention.

Sa direktang pangangasiwa ng aming MDRRMO Head, Ms. Joey B. Acebron, para sa mga biglaang hindi inaasahang sakuna o pangyayaring may kinalaman sa panganib na nangangailangan ng agarang pagkilos, hinihikayat ang publiko na agad na makipag-ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office – Laoang Operations Center sa pamamagitan ng mga sumusunod na Emergency Hotlines:

📟 Radio Frequency: 167.075
📱 0970-078-8948






Address

Barangay Guilaoangi
Laoang
6411

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laoang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share