02/08/2026
LOOK | SK Pajac nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026
Ang Sangguniang Kabataan-Pajac (SK Pajac) ay nakiisa sa pagdiriwang ng taunang Buwan ng Wika na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."
Sa pagbilis na pag-unlad ng ating teknolohiya, nawa'y patuloy nating gamitin at tangkilikin ang Wikang Filipino bilang tulay sa pagkuha ng mga totoong impormasyon, pagkakaisa, kaalaman, at makabuluhang inobasyon.
Sama-sama nating isulong ang responsableng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) habang pinapahalagahan at pinayayabong ang ating sariling wika.
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa! 💙❤️💛