MSWDO LGU Las Navas, Northern Samar

MSWDO LGU Las Navas, Northern Samar Official Page of Municipal Social Welfare and Development Office LGU Las Navas, Northern Samar

TINGNAN || 1st QUARTER MEETING OF MCPC, MCAT-VAWC & MACIsinagawa ang 1st Quarter Meeting ng Municipal Council for the Pr...
24/03/2026

TINGNAN || 1st QUARTER MEETING OF MCPC, MCAT-VAWC & MAC

Isinagawa ang 1st Quarter Meeting ng Municipal Council for the Protection of Children (MCPC), MCAT-VAWC at Municipal Action Committee (MAC) na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan at ahensya ng pamahalaan upang talakayin ang mga programang naglalayong pangalagaan at protektahan ang kapakanan ng mga bata, kababaihan, at pamilya sa ating munisipyo.

Pinangunahan ni Hon. Jose Tendido, SK Federation President, ang nasabing pagtitipon kung saan tinalakay ang mahahalagang ulat at programa para sa pagpapatibay ng mga serbisyo at interbensyon para sa komunidad.

Sa nasabing pulong inilahad ni Ms. Sam Ortego, MLGOO ang CFLGA Means of Verification (MOVs) bilang bahagi ng pagsusuri at pagpapatibay ng mga programa para sa mga bata at pamilya.

Ibinahagi ni PCpl Benjelyn O. Pajanustan ng PNP WCPD ang mga kaso ng VAWC at CICL para sa 1st Quarter, bilang bahagi ng monitoring at pagpapalakas ng mga hakbang sa pagprotekta sa kababaihan at kabataan.

Samantala, ipinresenta naman ni Mr. Julius Luna, 4Ps Municipal Link, ang Accomplishment Reports ng 4Ps para sa 1st Quarter, na naglalaman ng mga update sa implementasyon ng programa sa mga benepisyaryo sa ating bayan.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng mga ahensya at konseho upang mas mapalakas ang mga programa at serbisyong nagtataguyod sa proteksyon, kapakanan, at kaunlaran ng mga bata, kababaihan, at pamilya sa ating komunidad.

TINGNAN | ECCD MOVING UP CEREMONYMatagumpay na isinagawa ang ECCD Moving Up Ceremony para sa mga batang kabilang sa Earl...
23/03/2026

TINGNAN | ECCD MOVING UP CEREMONY

Matagumpay na isinagawa ang ECCD Moving Up Ceremony para sa mga batang kabilang sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Program mula sa iba’t ibang barangay sa ating bayan.

Ang programa ay pinangunahan nina SB Member Hon. Ases Jolejole III, Ms. Roname Lian U. Unay, RSW – MSWD Officer, Ms. Janine Faye J. Barrientos – ECCD Focal Person, Ms. Anielyn P. Infante – Data Encoder, kasama sina Hon. Jose Lambino at Hon. Lara O. Orpeza, mga Barangay Councilors ng H. Jolejole Pob.

Ang nasabing seremonya ay dinaluhan ng mga batang kalahok mula sa mga barangay ng Quirino Pob., H. Jolejole Pob., Rebong, Lomalaog, at Bugay, kasama ang kanilang mga magulang at g**o na patuloy na sumusuporta sa kanilang paghubog at pag-unlad.

Layunin ng ECCD Program na maihanda ang mga bata sa susunod na yugto ng kanilang pag-aaral habang pinapalakas ang kanilang kaalaman, kakayahan, at kumpiyansa sa sarili.

PABATID | NCSC CASH GIFT DISTRIBUTIONPara sa mga Senior Citizens na may edad 80, 85, 90 at 95 taong gulangAng National C...
18/03/2026

PABATID | NCSC CASH GIFT DISTRIBUTION
Para sa mga Senior Citizens na may edad 80, 85, 90 at 95 taong gulang

Ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) Regional Office VIII, sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), ay magbibigay ng Cash Gift Distribution para sa mga senior citizens sa ating bayan.

📅 Petsa: Marso 26, 2026
🕐 Oras: Alas-1:00 ng hapon
📍 Lugar: Senior Citizen’s Building

Ang mga nakalista ay tatanggap ng ₱10,000.00 bawat benepisyaryo, na nakumpleto at naipasa ang kanilang mga dokumento noong Ikalawang Semestre (Hulyo–Disyembre) 2025 sa NCSC Regional Office VIII.

Kung hindi na kayang dumalo ng benepisyaryo, maaaring mag-authorize ng kinatawan, basta’t dala ang mga kinakailangang dokumento para sa pagkuha ng cash gift. Makipag-ugnayan sa inyong barangay officials para sa mga kinakailangang dokumento o sa aming tanggapan.

📌 Karagdagang Paalala:
Ang mga senior citizens na nakapagsumite ng kanilang mga dokumento noong Enero–Marso 2026 ay kasalukuyan pang naghihintay ng iskedyul mula sa NCSC Regional Office VIII para sa kanilang cash gift distribution.

TINGNAN || 1st QUARTER MEETING OF BARANGAY VAWC DESK OFFICERSSa pangunguna ni Ms. Roname Lian U. Unay, RSW – Municipal S...
10/03/2026

TINGNAN || 1st QUARTER MEETING OF BARANGAY VAWC DESK OFFICERS

Sa pangunguna ni Ms. Roname Lian U. Unay, RSW – Municipal Social Welfare and Development Officer at Mrs. Jenette U. Baldoza – Women Focal Person, matagumpay na naisagawa ang 1st Quarter Meeting of Barangay VAWC Desk Officers ng ating bayan.

Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang kapasidad ng mga Barangay VAWC Desk Officers sa pagbibigay ng agarang tugon at serbisyong proteksyon para sa mga kababaihan at bata na biktima ng karahasan.

Kabilang sa mga mahahalagang napag-usapan sa pulong ang:
📌 Roles and Functions ng Barangay VAWC Desk Officers
📌 Pagsusumite ng Quarterly Accomplishment Reports
📌 Municipal Incentive para sa Barangay VAWC Desk Officers, na inaprubahan ni Municipal Mayor John Philbert S. Tan bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng kababaihan at kabataan sa komunidad.

Patuloy ang ating lokal na pamahalaan sa pagsuporta at pagpapalakas ng mga programang naglalayong wakasan ang karahasan laban sa kababaihan at mga bata.

TINGNAN | CHILD DEVELOPMENT WORKERS MONTHLY MEETINGSa pangunguna nina Ms. Roname Lian U. Unay, RSW – MSWD Officer at Ms....
27/02/2026

TINGNAN | CHILD DEVELOPMENT WORKERS MONTHLY MEETING

Sa pangunguna nina Ms. Roname Lian U. Unay, RSW – MSWD Officer at Ms. Janine Faye J. Barrientos – ECCD Focal Person, matagumpay na naisagawa ang Buwanang Pagpupulong ng ating mga Child Development Workers.

Sa naturang pagtitipon, tinalakay ang mahahalagang usapin tulad ng re-orientation on Early Childhood Care and Development (ECCD), ang proposed AIP 2027 para sa mga programa ng kabataan, ang kasalukuyang status ng Child Development Workers and Centers Accreditation, at ang masusing pagpaplano para sa nalalapit na Moving-Up Ceremony 2026.

Patuloy ang ating pagtutulungan upang higit pang mapalakas ang kalidad ng serbisyong pang-ECCD at masig**o ang maayos, ligtas, at makabuluhang pagkatuto ng ating mga batang mag-aaral.

TINGNAN | SERBISYO SA BARANGAYMatagumpay na naisagawa ang Serbisyo sa Barangay sa mga malalayong barangay ng ating bayan...
26/02/2026

TINGNAN | SERBISYO SA BARANGAY

Matagumpay na naisagawa ang Serbisyo sa Barangay sa mga malalayong barangay ng ating bayan, kabilang ang Brgy. Cuenco, Lakandula, Osmeña, Paco, Poponton, L. Empon, at Caputo-an.

Layunin ng programang ito na mailapit ang mga programa at serbisyong panlipunan ng pamahalaang lokal sa mga mamamayan, lalo na sa mga naninirahan sa liblib at mahihirap na komunidad, upang higit nilang malaman at madaling ma-access ang mga tulong at benepisyong nararapat para sa kanila.

Bahagi rin ng aktibidad ang pag-update ng talaan ng mga sektor na nangangailangan ng espesyal na atensyon, tulad ng Senior Citizens, Persons with Disabilities (PWDs), at Solo Parents, pati na ang kanilang mga samahan at organisasyon.

Magpapatuloy ang pagsasagawa ng Serbisyo sa Barangay sa iba pang mga barangay ng bayan.

📣 PAHIBARO || Cash Gift tikang National Commision of Senior Citizens (NCSC)Para sa mga Senior Citizens nga nag edad 80, ...
06/02/2026

📣 PAHIBARO || Cash Gift tikang National Commision of Senior Citizens (NCSC)

Para sa mga Senior Citizens nga nag edad 80, 85, 90, 95 ngan 100 nga nag BIRTHDAY tikang March 17, 2024 tubtob December 31, 2024 pwede pa mag-apply abot yana nga March 31, 2026.

Alayun pag bisita sa amon opisina hanapa si Mrs. Jenette O. Baldoza- SC Focal Person o sa OSCA hanapa si Mrs. Victoria O. Pajuelas- OSCA Head o staffs.

TINGNAN | LGU RELIEF GOODS DISTRIBUTION SA 53 APEKTADONG BARANGAYS DAHIL SA SHEAR LINE FLOODING NOONG ENERO 4–5, 2026Nag...
14/01/2026

TINGNAN | LGU RELIEF GOODS DISTRIBUTION SA 53 APEKTADONG BARANGAYS DAHIL SA SHEAR LINE FLOODING NOONG ENERO 4–5, 2026

Nagsimula nang mamahagi ang Lokal na Pamahalaan ng relief goods sa pamumuno nina Mayor John Philbert S. Tan at Vice Mayor Minda M. Tan, kasama ang mga Sangguniang Bayan Members, si Ms. Roname Lian U. Unay, RSW–MSWD Officer, at ang kanyang mga kawani.

Ang pamamahagi ng ayuda ay bilang tulong sa bawat bahay na naapektuhan ng nagdaang pagbaha dulot ng Shear Line. Ang bawat food pack ay naglalaman ng 5 kilo ng bigas, 3 pakete ng noodles, 2 de-latang pagkain, at 1 pakete ng kape (20 gramo).

Pinangunahan ng mga barangay opisyal ang pamamahagi sa kani-kanilang barangay, at ang listahan ng mga benepisyaryo ay nagmula sa mga barangay officials.



21/12/2025

ANNOUNCEMENT|| CASH PRIZES DURING NATIONAL CHILDREN'S MONTH COMPETITION

Please be informed that tomorrow, December 22, you may claim the cash prizes for the NCM Competition held on November 28 at the Las Navas Sports Complex.

Kindly proceed to the Municipal Treasurer’s Office, look for Mr. Jonathan Acedera, and present your School ID or any valid ID.

We apologize for the delay due to the Treasurer’s Office handling a high volume of disbursements this month.

Thank you!

LOOK || DISTRIBUTION OF FOOD ASSISTANCE TO REGISTERED SOLO PARENTSToday, food assistance was distributed to 85 registere...
15/12/2025

LOOK || DISTRIBUTION OF FOOD ASSISTANCE TO REGISTERED SOLO PARENTS

Today, food assistance was distributed to 85 registered solo parents as part of the LGU’s continuing support for their daily needs under the 5% Gender and Development (GAD) Fund. This initiative was carried out under the leadership of Hon. John Philbert S. Tan, Municipal Mayor; Ms. Roname Lian U. Unay, RSW, MSWD Officer; Mr. Juven O. Pajenado, Solo Parent Focal Person; and the dedicated MSWDO personnel.

Each beneficiary received 13 kilos of rice, 18 assorted canned goods, and 6 packs of noodles. This initiative aims to help ease the burden of everyday expenses and to reaffirm that our solo parents are valued, supported, and cared for by the community.

EARLIER TODAY | Solo Parent Subsidy Pay-Out | December 11, 2025Today, 22 solo parent beneficiaries gathered to receive t...
11/12/2025

EARLIER TODAY | Solo Parent Subsidy Pay-Out | December 11, 2025

Today, 22 solo parent beneficiaries gathered to receive their cash assistance. Each beneficiary was granted ₱6,000, covering the period of July to December 2025 at ₱1,000 per month.

This program is implemented through the Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) and is funded under the 5% Gender and Development (GAD) allocation of the Local Government Unit (LGU), ensuring that the needs of solo parents are prioritized.

This meaningful initiative is in accordance with Republic Act No. 11861, also known as the Expanded Solo Parents Welfare Act—a law dedicated to enhancing the well-being of solo parents nationwide. The Act guarantees solo parents access to financial assistance, parental leave, healthcare, housing, and educational benefits—a vital step in acknowledging the unique responsibilities they shoulder in raising their families.

The pay-out was made possible through the efforts of Municipal Mayor John Philbert S. Tan, VM Minda M. Tan, and SB members, Ms. Roname Lian U. Unay, RSW – MSWD Officer, Mr. Juven O. Pajenado – Solo Parent Focal Person, Ms. Anielyn P. Infante – SC Data Controller, Mrs. Marilou Yruma – Disbursing Officer, Municipal Treasurer’s Office and Mr. Jayson Baldostamo – President, Solo Parent Municipal Federation

Their presence reflects the collective commitment of the local government to uplift, support, and empower solo parents in the community.

This activity is more than just the distribution of financial aid—it is a reaffirmation that no solo parent stands alone.

Address

Las Navas
6420

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSWDO LGU Las Navas, Northern Samar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share