07/03/2026
𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧’𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡! 💜
Sa pagpapatuloy ng ating selebrasyon, nakasama natin si 𝗝𝘂𝗱𝗴𝗲 𝗧𝘀𝗵𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗕. 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗶𝗻𝗼𝗱-𝗠𝗮𝗴𝗴𝗮𝘆 na nagbahagi at nagpalawak ng kaalaman tungkol sa 𝑽𝒊𝒐𝒍𝒆𝒏𝒄𝒆 𝑨𝒈𝒂𝒊𝒏𝒔𝒕 𝑾𝒐𝒎𝒆𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝑻𝒉𝒆𝒊𝒓 𝑪𝒉𝒊𝒍𝒅𝒓𝒆𝒏 (𝑽𝑨𝑾𝑪) sa ilalim ng 𝑹𝒆𝒑𝒖𝒃𝒍𝒊𝒄 𝑨𝒄𝒕 𝑵𝒐. 𝟗𝟐𝟔𝟐 o 𝑨𝒏𝒕𝒊-𝑽𝒊𝒐𝒍𝒆𝒏𝒄𝒆 𝑨𝒈𝒂𝒊𝒏𝒔𝒕 𝑾𝒐𝒎𝒆𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝑻𝒉𝒆𝒊𝒓 𝑪𝒉𝒊𝒍𝒅𝒓𝒆𝒏 𝑨𝒄𝒕 𝒐𝒇 𝟐𝟎𝟎𝟒.
Tinalakay ang mga karapatan ng kababaihan at mga bata, ang iba’t ibang anyo ng karahasan, at ang mga legal na hakbang na maaaring isagawa upang maprotektahan ang sarili at ang pamilya.
Nagkaroon din ng open forum kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga participants na magtanong. Ang bawat katanungan ay malinaw na sinagot at binigyang-linaw ni Judge Tshaine, na nagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa mga probisyon ng Republic Act No. 9262 at sa mga legal remedies na maaaring ma-avail.
Sa pamamagitan ng makabuluhang talakayan, mas napalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga dumalo hinggil sa kanilang mga karapatan at sa kahalagahan ng pagtindig laban sa anumang uri ng karahasan.
Bilang pagtatapos, ang 𝗛𝗲𝗮𝗱 ng 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗼𝗿𝗸 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 ay nagbigay ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga dumalo at aktibong nakibahagi sa makabuluhang talakayan na ito.
Patuloy tayong magsulong ng isang ligtas, makatarungan, at gender-responsive na komunidad para sa lahat. ✨💜