15/06/2026
Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Sacred Heart of Jesus Christ, matagumpay na naisagawa ang Libreng Gupit noong ika-13 ng Hunyo 2026 sa Golden Gate Subdivision na hatid ng ating masipag na lingkod-bayan, Kap. Christopher Lucena, katuwang ang ating “Action Woman” Ate Bhang Velasquez.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakilahok at sumuporta sa programang ito na naglalayong magbigay ng simpleng serbisyo ngunit may malaking ngiti at tuwa sa ating mga kabarangay.
Ang ganitong mga gawain ay patunay ng ating pagkakaisa at patuloy na pagmamahalan sa komunidad, sa gabay ng pananampalataya at malasakit sa kapwa.
Maraming salamat po, at mabuhay ang Golden Gate Subdivision!