28/07/2026
ANTI-BULLYING CAMPAIGN
Sa pagtutulungan ng Barangay Zapote BCPC,
sa pangunguna ni Kapitan Gabriel Toti Gonzalez,
BCPC Committee Chair Kagawad Ivy Olive Gervacio,
kasama ang ating mga BCPC/VAWC Officers,
Zapote Elementary School sa pamumuno ng ating School Principal Sir Eric Zotomayor Samonteza, kasama ang mga Teachers at Non-Teaching Personnel at ng Women and Children Protection Desk (WCPD) headed by Chief Lucia Conmigo, kasama si WCPD Investigator Pssg Mary Ann Redo, ay sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas, mapayapa, at mapagmalasakit na kapaligiran para sa bawat mag-aaral.
Hangad namin ang kaligtasan ng bawat mag-aaral sa loob at labas ng paaralan. Magkaroon nawa ng kapanatagan ang mga magulang na makakapag-aral at makakauwi palagi ng ligtas ang kanilang mga anak sa kanilang mga tahanan. Walang imposible kung sama-sama ang buong komunidad sa pagkilos, pagmamalasakit at pagdidisiplina sa mga bata.
Ang bawat salita at kilos ay may epekto. Piliin nating maging mabuti, maging magalang at maging kaibigan sa lahat. Walang lugar ang pambu-bully sa ating paaralan at komunidad.
Stop Bullying! Be a friend, not a bully!