Pilar Health Center

Pilar Health Center The official page of the Pilar Health Center, Las Piñas City. "SERBISYONG PANG-KALUSUGAN PARA SA MGA PILAREÑOS"

LIBRENG DOXYCYCLINE AY IBINIBIGAY NG:Pilar Health Center
09/08/2026

LIBRENG DOXYCYCLINE AY IBINIBIGAY NG:
Pilar Health Center

Sa patuloy na pagsuporta ng Pilar Health Center sa ating mga kabataan sa pangunguna ng ating Rural Health Physician Dra....
01/08/2026

Sa patuloy na pagsuporta ng Pilar Health Center sa ating mga kabataan sa pangunguna ng ating Rural Health Physician Dra. Ryia Aludino , nagbigay tayo ng table tennis at pingpong table para sa mga kabataan ng Gloria Compound Youth Organization . Layunin nating hikayatin sila na makilahok sa mga positibong libangan at makabuluhang gawain na makatutulong sa kanilang kalusugan, disiplina, at pakikipagkapwa.

Naniniwala tayo na ang pagbibigay ng mga oportunidad para sa sports, recreation at kalusugan ay isang hakbang upang mailayo ang ating mga kabataan sa masasamang bisyo at mahikayat silang gamitin ang kanilang oras sa mga kapaki-pakinabang na aktibidad.

Dahil para sa amin, ang kabataan ang isa sa aming pinakamahalagang prayoridad. Patuloy tayong magsisikap na maghatid ng mga programang pang kalusugan at mas magandang kinabukasan para sa bawat kabataan sa ating lugar.
🏓

TABLE TENNIS/PINGPONG TABLE PARA SA KABATAAN NG GLORIA COMPOUND MULA SA PILAR HEALTH CENTER 🏓

Opisyal nang naipagkaloob ang table tennis at pingpong table para sa mga kabataan ng Gloria Compound mula sa Pilar Health Center, bilang suporta sa TeenBayan ng Gloria Youth Center.

Ang simpleng handog na ito ay higit pa sa isang laro—ito ay isang hakbang upang hikayatin ang kabataan na maging aktibo, magkaroon ng positibong libangan, at mapalakas ang pagkakaisa sa komunidad. Patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay ng ligtas na espasyo at makabuluhang oportunidad para sa ating mga kabataan.

Ang malusog, disiplinado, at aktibong kabataan ang pundasyon ng mas maunlad na komunidad.💙🏓


08/07/2026

𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐀𝐍𝐃 𝐖𝐄𝐋𝐋𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐀𝐋𝐌𝐀𝐍𝐙𝐀 𝐔𝐍𝐎!

Inaanyayahan ang lahat sa Health and Wellness Caravan sa Almanza Uno Covered Court, Brgy. Almanza Uno sa Hulyo 9, 2026, 8:00 AM–12:00 NN.

Hatid ito ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas sa pangunguna nina Mayor April Aguilar at Vice Mayor Mel Aguilar para sa mas abot-kayang serbisyong pangkalusugan.

Para sa karagdagang impormasyon i-like at i-follow ang aming mga page:
Facebook: https://www.facebook.com/LPCityhealth
TikTok:
Instagram:

MAGING MAPANURI AT SENSITIBO, ALAMIN MUNA ANG BUONG PANGYAYARI AT HUWAG LAMANG SA AMIN ANG LAGING PAGKAKAMALI‼️Una po sa...
24/06/2026

MAGING MAPANURI AT SENSITIBO, ALAMIN MUNA ANG BUONG PANGYAYARI AT HUWAG LAMANG SA AMIN ANG LAGING PAGKAKAMALI‼️

Una po sa lahat, Anonymous account po kayo paano namin kayo ma reach out upang pag usapan kung ano ang naging problema na naranasan nyo sa aming tanggapan pero isa lang po ang alam namin na nag walk-out sa araw na yon bandang mag 11 ng umaga, Mga ganong oras na rin po kayo dumating sa mga na unang araw na kayo ay pumunta sa health center kaya maaasahan mo po talaga na marami na mauuna sa inyo at hindi na kayo mapagbibigyan na ma i admit. HUWAG NAMAN PO maging mapanira kung sa part din po ninyo ang dahilan na kayo ay magka problema, sinabihan din po kayo na bumalik ng araw ng huwebes ng mas maaga pero kayo po ay biglang nag walk-out nalang.

HUWAG NAMAN DIN PO ninyo idamay ang aming propesyunal at magaling na lalaking midwife sa comment section dahil alam nyo po ba na sya po ay isang buwan na wala na po sa ating health center dahil sya po ay promoted na at mas pinalawak na po ang kanyang bibigyan ng serbisyong pangkalusugan sa propesyon at larangan bilang license Midwife.

Lagi po kaming handa na magbigay ng serbisyong pang kalusugan sa lahat ng aming nasasakupan pero kung nasa sa inyo po ang dahilan para hindi po namin kayo ma accomodate hindi po para kami ang mag adjust ng aming mga schedule dahil sa tanghali na kayo dumating at gusto ay unahin kayo namin.

KAMI PO ay nakikipag ugnayan na sa ating Barangay Pilar Village, Las Piñas upang kami ay matulungan na ma locate at maipatawag kayo para pag usapan ang nasabing problema, Bukas po ang aming tanggapan para sa inyong hinanaing kung nais nyo naman po na itago ang inyong pagka kilanlan para sa inyong reklamo maari po kayong personal na mag mensahe dito sa aming page o sa aming email address makakasiguro po kayo na agad namin aaksyunan ang inyong reklamo para sa patuloy na pagbibigay ng serbisyong pang kalusugan sa mga pilarenos.
Maraming Salamat po.


ANUNSYO PUBLIKO ❗️❗️❗️📣📣📣📣📣PARA SA MGA BENEFICIARIES ng  PhilHealth YAKAP GAMOT PROGRAM.    👇👇👇👇👇👇👇
22/06/2026

ANUNSYO PUBLIKO ❗️❗️❗️
📣📣📣📣📣
PARA SA MGA BENEFICIARIES ng PhilHealth YAKAP GAMOT PROGRAM. 👇👇👇👇👇👇👇





20/06/2026

Address

Aguirre Road
Las Piñas
1700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639617634018

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pilar Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share