03/08/2026
SULONG KABATAAN, KAYO ANG BIDA!
Sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, sama-sama nating itaguyod ang isang kabataang nagkakaisa, may malasakit, at may layuning maglingkod.
Sa Sangguniang Kabataan ng Talon Uno, walang kulay, walang kinikilingan, lahat ay pantay-pantay. Anuman ang pinagmulan, paniniwala, o pananaw, bawat kabataan ay may boses, may halaga, at may pagkakataong makilahok sa pagbuo ng mas maunlad na komunidad.
Mga aabangang proyekto sa Linggo ng Kabataan 2026:
- Opening of SK League
- MR and MS KK 2026
- SK Youth Forum 2026
AT MARAMI PANG IBA!
Ang Linggo ng Kabataan ay para sa lahat ng kabataan—isang pagdiriwang ng pagkakaisa, pakikilahok, at pagbibigay-lakas sa susunod na henerasyon ng mga lider.
Sulong Kabataan, Kayo ang Bida!
Republic Act No. 10742 (SK Reform Act of 2015)