25/07/2026
Patuloy na pinalalakas ang kahandaan at kakayahan ng ating mga community responders Para sa mas ligtas na komunidad!
Noong Hulyo 24, 2026, matagumpay na isinagawa ang Basic Skills for Responders for Community Fire Auxiliary Group Members (CFAG) ng Bureau of Fire Protection (BFP) Las Piñas sa Hansuyin Village Covered Court.
Dumalo ang mga Fire/Medic Responders ng Barangay Talon Uno sa pangunguna ni Kagawad Jossel Duco, Head ng Talon Uno BDRRM, kasama ang iba pang mga miyembro ng iba’t ibang Barangay Fire Brigades. Ang pagsasanay na ito ay naglalayong higit pang paunlarin ang kaalaman at kasanayan ng mga responders upang maging mas handa sa pagtugon sa sunog, sakuna, at iba pang emergency sa komunidad.
Maraming salamat sa BFP Las Piñas sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at sa lahat ng lumahok na patuloy na naglilingkod nang may dedikasyon at malasakit para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.
“Sa pag iwas sa sunog hindi ka nag iisa.” 🚒🚑🔥