19/05/2025
πΊπ²: πΊπππππππ ππ π²ππππππππππ ππ π²πππππππππ
Sa pangunguna ni Hon. Lord Cedie Vicente kasama ang kanyang mga Kagawad, inaanyayahan ang lahat ng ka-Baranggay natin sa Talon Uno na makiisa at makibahagi sa programa ng Sangguniang Kabataan ng Talon Uno β ang "S-K: Solusyon sa Kapaligiran at Kalusugan" na isasagawa tuwing linggo!π±βΌοΈ
Sa tulong ng Katipunan ng Kabataan ng Talon Uno sa pamumuno ni KK Pres. Sophie Bandoy, Talon Uno Group, DA VMOMS, at ng masisipag nating volunteers, ating pinagsasama ang clean-up drive at feeding program para sa iisang layunin β isang maayos, malinis, at masiglang komunidad para sa lahat!β¨
Ating sisimulan ang Clean Up Drive at Feeding Program sa CAMIAS ST., sa pangangasiwa nila Mrs. Anabelle Centillas at Mr. Jeffrey Maloloy-on.
Hindi lang ito simpleng paglilinis at pamimigay ng pagkain. Isa itong pagkilos ng pagkakaisa, malasakit, at pagmamahal sa ating lugar at kapwa.π«
Tandaan: Sa bawat basura na ating pinupulot at sa bawat batang pinapakain natin, tayo ay nagtatanim ng pag-asa para sa mas maliwanag na bukas.π΄π»
Narito ang mga sumusunod na iskedyul:
β’May 24, 2025 - CAMIAS ST.
β’MAY 31, 2025 - SININGUELAS ST.
β’HUNYO 7, 2025 - DURIAN ST.
β’HUNYO 13, 2025 - UBE AT UGNAYAN ST.
Talon Uno, sama-sama tayong kikilos. Sama-sama tayong aangat!π―β¨