09/06/2026
Bilang bahagi ng ating patuloy na kampanya para sa malinis, ligtas, at malusog na komunidad, nagsagawa ng mosquito spraying sa Everlasting at CTK sa direktiba ni Punong Barangay Kap. Gerry Sangga at sa buong suporta ng Council.
Pinangunahan ito ng ating masisipag na Utility Personnel sa pamumuno ni Brgy Admin. Christopher Cruz upang makatulong sa pag-iwas sa pagkalat ng dengue at iba pang sakit na dala ng lamok.
Sama-sama nating itaguyod ang isang mas ligtas at mas malusog na Barangay Talon Kuatro para sa lahat.