Barangay Talon Dos

Barangay Talon Dos Barangay Talon Dos: For Asenso 🌟 Embracing progress, unity, and community spirit.
- Kap. Arnold "Jojo" F. Reyes

Talon Dos is one of the twenty barangays of Las Piñas City with a population of 53,091 (2015 Census of Population and Housing) and a land area of 391.61 hectares. It is situated on the southern side of the mid-section of Las Piñas.

Heavy Rainfall Warning No. 1  Weather System: Southwest Monsoon (Habagat) and Tropical Cyclone MAYMAYIssued at: 8:00 AM,...
04/08/2026

Heavy Rainfall Warning No. 1
Weather System: Southwest Monsoon (Habagat) and Tropical Cyclone MAYMAY
Issued at: 8:00 AM, 05 August 2026(Wednesday)

YELLOW WARNING LEVEL: Bataan, Metro Manila, Pampanga(Lubao, Sasmuan, Macabebe, Masantol, Apalit, Minalin, Floridablanca, Porac, Bacolor, Santa Rita, Guagua, San Simon, Santo Tomas, San Fernando), Zambales(Olongapo, Subic, Cabangan, Botolan, San Felipe, San Narciso, San Antonio, San Marcelino, Castillejos), Bulacan(Hagonoy, Calumpit, Paombong, Malolos, Pulilan, Plaridel, Guiguinto, Pandi, Santa Maria, San Jose del Monte, Marilao, Bocaue, Balagtas, Bulakan, Obando, Meycauayan, Norzagaray, Angat, Bustos, Baliuag), Rizal(Rodriguez, San Mateo, Taytay, Cainta, Antipolo) and Cavite(Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta, Rosario, Cavite City, General Trias, Tanza, Naic, Ternate, Maragondon).
ASSOCIATED HAZARD: Possible FLOODING in flood-prone areas.

Sa pagsisimula ng buwan ng Agosto, muli nating ipinagdiriwang ang buhay ng ating mga mahal na Pre-Centenarians ng Barang...
03/08/2026

Sa pagsisimula ng buwan ng Agosto, muli nating ipinagdiriwang ang buhay ng ating mga mahal na Pre-Centenarians ng Barangay Talon Dos. 🎂💛

Maligayang kaarawan po sa ating mga lolo at lola na nagdiriwang ng kanilang ika-80, ika-85, at ika-90 na kaarawan. Kayo po ay patunay ng tibay, pagmamahal, at karunungang patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa ating komunidad.

Bilang munting pasasalamat, nagkakaloob ang Barangay Talon Dos ng cash gift bilang pagkilala sa inyong mahalagang ambag at bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng inyong espesyal na araw.

Dalangin namin ang inyong patuloy na mabuting kalusugan, kapayapaan, at marami pang masasayang taong makakasama ang inyong mga pamilya at mga mahal sa buhay.

Maligayang kaarawan po sa ating mga Pre-Centenarians! Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon.

Dios Mabalos!

Kap. Arnold "Jojo" F. Reyes

Sa kabila ng maulang umaga, sama-sama nating sinimulan ang unang Lunes ng buwan sa ating Flag Ceremony, na isinagawa sa ...
03/08/2026

Sa kabila ng maulang umaga, sama-sama nating sinimulan ang unang Lunes ng buwan sa ating Flag Ceremony, na isinagawa sa loob ng gusali dahil sa panahon.

Maraming salamat sa patuloy na dedikasyon ng bawat opisyal at kawani ng Barangay Talon Dos. Nawa'y magsilbing paalala ang bawat pagtataas ng watawat ng ating pangakong maglingkod nang may puso, integridad, at malasakit sa ating komunidad.

Magandang umaga at mapagpalang buwan sa ating lahat. 🇵🇭

Dios Mabalos!

~Kap. Arnold Filio Reyes at buong konseho

Rainfall Advisory No. 6  Weather System: TROPICAL DEPRESSION (TD) LUISIssued at: 8:00 PM, 02 August 2026(Sunday)Light to...
02/08/2026

Rainfall Advisory No. 6
Weather System: TROPICAL DEPRESSION (TD) LUIS
Issued at: 8:00 PM, 02 August 2026(Sunday)

Light to moderate rains affecting Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bataan, Bulacan, Rizal, Metro Manila, Laguna, Cavite, Quezon(Candelaria, Dolores, San Antonio, Sariaya, Tiaong, General Nakar, Tayabas, Infanta, Lucban, Lucena, Mauban, Pagbilao, Real, Sampaloc, Agdangan, Alabat, Atimonan, Burdeos, Calauag, General Luna, Guinayangan, Gumaca, Jomalig, Lopez, Macalelon, Padre Burgos, Panukulan, Patnanungan, Perez, Pitogo, Plaridel, Polillo, Quezon, Tagkawayan, Unisan, Buenavista) and Batangas(Tanauan, Talisay, Malvar, Lipa, Balete, Mataasnakahoy, Santo Tomas, Padre Garcia, Laurel, Nasugbu, Tuy, Lemery, Calaca, Agoncillo, Balayan, San Nicolas, Taal, Santa Teresita, Alitagtag, Cuenca, San Luis, Bauan) and may affect nearby areas.

🥗🌿 Pagdiriwang ng Nutrition Month sa Satima Village 🌿🥗Matagumpay na idinaos sa Satima Village ang pagdiriwang ng Nutriti...
01/08/2026

🥗🌿 Pagdiriwang ng Nutrition Month sa Satima Village 🌿🥗

Matagumpay na idinaos sa Satima Village ang pagdiriwang ng Nutrition Month, tampok ang mga gawaing naglalayong palawakin ang kamalayan tungkol sa wastong nutrisyon at kahalagahan ng malusog na pamumuhay.

Ang pagdiriwang na ito ay paalala na ang tamang nutrisyon ay mahalagang pundasyon ng malusog na pamilya at matatag na komunidad. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy na isabuhay ang mga mabubuting gawi tungo sa mas maayos na kalusugan ng bawat mamamayan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang ng Nutrition Month sa Satima Village.

Dios Mabalos!
Kap. Arnold Filio Reyes at Konseho




7TH LAS PIÑAS CITY DRRM - INTER BRGY FIRST AID OLYMPICS 2026 ⛑️
31/07/2026

7TH LAS PIÑAS CITY DRRM - INTER BRGY FIRST AID OLYMPICS 2026 ⛑️

30/07/2026

🌱 Ang paghahanda sa sakuna ay nagsisimula bago pa man ito dumating. 💚

Noong July 18, matagumpay na ipinagdiwang ng Barangay Talon Dos ang National Disaster Resilience Month sa pamamagitan ng Project SILAB ng Asenso Kabataan Inc., kasama ang iba't ibang partner organizations na nagkaisa para sa isang mas ligtas, mas luntian, at mas matatag na komunidad.

Hindi lamang tungkol sa emergency response ang naging sentro ng programa. Naging pagkakataon din ito upang matuto ang ating mga residente sa pamamagitan ng First Aid Seminar, Urban Gardening Seminar, at ang pagdating ng Smart Recycling Xpress (SRX) ng Restore Solutions PH, kung saan ipinakita kung paano ang mga plastic sachet ay maaaring maipon at ma-convert sa mga kapaki-pakinabang na produkto sa halip na maging basura na bumabara sa ating mga daluyan ng tubig.

Isa rin sa mga mahalagang bahagi ng programa ang paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng BF Resort Village Talon Homeowners Association, Inc., BFRV VG-TODA Green, Phase 3 Proper Homeowners Association, at Restore Solutions PH bilang simbolo ng ating sama-samang pangako para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapatatag ng ating komunidad.

Ang bawat natutunang first aid skill ay maaaring makapagligtas ng buhay.
Ang bawat tanim ay maaaring makatulong sa seguridad sa pagkain.
At ang bawat plastic trash na ating nare-recycle ay isang hakbang palayo sa polusyon at pagbaha.

Kapag ang community ay sama-samang kumikilos, nagiging mas handa tayo sa anumang hamon.

🎥 Panoorin ang highlights ng programa:
https://www.youtube.com/watch?v=i_aOoA71QBw

💚 Sa Barangay Talon Dos, ang paghahanda, pangangalaga sa kalikasan, at pagkakaisa ay sabay nating isinusulong para sa mas ligtas na bukas.












video: Restore Solutions Ph

Mahigit isang buwan na ang nakalipas mula nang ibinahagi natin ang kuwento ni Ms. Marian Fernandez habang nasa pangangal...
29/07/2026

Mahigit isang buwan na ang nakalipas mula nang ibinahagi natin ang kuwento ni Ms. Marian Fernandez habang nasa pangangalaga siya ng ating Barangay Talon Dos sa pag-asang mahanap ang kanyang mga kamag-anak.

Ngayon, masaya po naming ibinabalita na si Ms. Marian ay ligtas nang nailipat sa DSWD Temporary Shelter matapos siyang sunduin ng mga DSWD social workers, kung saan mas mabibigyan pa siya ng tamang pangangalaga at suporta.

Ang buong VAWC/BCPC Team ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nag-share ng aming post, nag-abot ng tulong, nagpakita ng kabutihan, at nagdasal para kay Ms. Marian. Malaking bagay ang inyong suporta para maging matagumpay ang misyong ito.

Maraming salamat din kina Kap. Arnold Filio Reyes at Kag. Jong Dizon sa inyong financial support at sa tiwalang ibinigay ninyo sa VAWC/BCPC team. Your trust inspires us to continue serving our community with compassion.

Maraming salamat sa inyong lahat. Tuloy-tuloy lang ang malasakit.

⚠️ PAUNAWA | MISSING DOG ⚠️Inaabisuhan po ang lahat ng residente na nawawala ang alagang a*o na nagngangalang PEARL.Huli...
29/07/2026

⚠️ PAUNAWA | MISSING DOG ⚠️

Inaabisuhan po ang lahat ng residente na nawawala ang alagang a*o na nagngangalang PEARL.

Huling nakita:
🗓️ Martes, Hulyo 28, 2026
🕢 Bandang 7:44 PM, habang umuulan

Lokasyon:
📍 Myrna Panlilio Street, Heritage Homes, BF Resort Village, Talon Dos, Las Piñas City

Pagkakakilanlan:
• May suot na orange reflective collar

Kung may nakakita o may impormasyon tungkol kay Pearl, makipag-ugnayan lamang sa mga sumusunod na numero:

📞 0915 781 4500
📞 0962 495 4179

Lubos po naming pahahalagahan ang inyong tulong sa muling pagkikita ni Pearl at ng kanyang pamilya. Maraming salamat po.

Thunderstorms affecting nearby areas may bring heavy rain, lightning, and strong winds to parts of Las Piñas within the ...
07/07/2026

Thunderstorms affecting nearby areas may bring heavy rain, lightning, and strong winds to parts of Las Piñas within the next couple of hours. Residents are advised to stay alert and be prepared for rapidly changing weather conditions.

Please take precautionary measures against possible localized flooding, especially in low-lying and flood-prone areas, and avoid unnecessary travel during periods of heavy rain. Continue monitoring official weather advisories for the latest updates.

🚒 Our Talon Dos Fire and Rescue Team (Talon Dos BDRRMO) is on high alert to help ensure everyone's safety. Please take precautions, stay informed, and be prepared.

For emergency concerns, don't hesitate to reach out:

📞 Talon Dos Fire and Rescue Hotline
☎️ 8646-3966 / 8871-1048
📱 0926-731-3727 / 0993-080-1378

Stay safe, ka-barangay!

Address

Carnival Park Street , BF Resort Village, Talon Dos
Las Piñas
1740

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63288711048

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Talon Dos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Talon Dos:

Shortcuts

Share

Category