03/05/2024
Magandang gabi, MATITIKAS! 🦅
Nais ko lamang mag pasalamat sa lahat ng mga sumoporta sa amin. Maraming salamat sa tiwala na ibinigay niyo sa akin, hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Pinapangako kong hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay niyo sa akin at sa aking mga kapartido. Hindi magiging posible ang lahat ng ito kung wala kayo, Theresians. Sana’y patuloy niyo pa rin kaming suportahan sa susunod na taon. Sisiguraduhin kong itatatak ko sa aking isipan ang mga natutunan ko sa inyo. ❤️🩹
Muli, ako si Patricia P. Vega ang inyong Presidente sa taong 2024-2025. 🐺
-Pres 💚
—————————————————————————
Magandang Gabi, Tikas!
Una, Gusto kong magpasalamat sa mga nakinig, nag tiwala, at naniwala na kaya kong panindigan ang posisyon na meron ako ngayon. Sa walang katapusang pagbibigay ng suporta sa bawat isa sa amin, maraming salamat. Ang mga boses ng bawat isa sa inyo ay naging malaking tulong para sa amin dahil sa simpleng pag bati ninyo at pag sigaw ng “TIKAS!” ay napapawi ang lahat ng aming pagod, ikinalulugod namin iyon. Pangakong gagawin at ibibigay ko sa inyo ang inyong mga nais sa abot ng aking makakaya at pangangatawan ko ang lahat ng aking mga obligasyon.
Sa aking mga ka-partido, Maraming Salamat sa binigay ninyong tiwala at suporta sa akin. Tandaan niyo na palagi akong proud sa bawat isa sa inyo. Pagbibigay bati sa ating lahat! 👏🏻
At para sa mga taong naniwala sa aking kakayahan, ang aking pamilya, mga kaibigan at mga g**o, maraming-maraming salamat po! Isa kayo sa nagbigay ng lakas ng loob sa akin na ipagpatuloy ang aking nasimulan kahit ako ay puno ng kaba. Maraming salamat sa mga pangaral ninyo na nag tulak sa akin na harapin ang mga pag subok na ito at sa walang sawang suporta na inyong ibinibigay sa akin. Malaking pag pugay sa inyo.🫡
Lahat ng ito ay hindi maitutupad kung wala ang gabay ng ating, Panginoon. Gusto ko lamang magbigay pasasalamat sa kaniya dahil hindi niya ako pinabayaan sa pag subok na ito. 💚
Patuloy na magbibigay ng serbisyong tapat, para sa ika aangat ng lahat. 🦅
-VP 💚