Las Piñas City Tourism and Cultural Office - LPTCO

Las Piñas City Tourism and Cultural Office - LPTCO It involves the promotion of the Las Piñas Tourism to be known and patronize by people.

Las Piñas City Tourism and Cultural Office – LPTCO is an informative City Tourism page in order to update, advise and provide facts about the history, culture and traditions of the Las Piñas City.

𝐓𝐚𝐧𝐠𝐤𝐢𝐥𝐢𝐤𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐭𝐢𝐧, 𝐈𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨! 🇵🇭Bilang paggunita sa Linggo ng mga Produktong Gawa sa Pi...
22/08/2026

𝐓𝐚𝐧𝐠𝐤𝐢𝐥𝐢𝐤𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐭𝐢𝐧, 𝐈𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨! 🇵🇭

Bilang paggunita sa Linggo ng mga Produktong Gawa sa Pilipinas, na ipinagdiriwang tuwing Agosto 17–23 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 76, taong 1936, hinihikayat natin ang bawat Pilipino na tangkilikin at ipagmalaki ang mga produktong sariling atin.

Sa bawat produktong gawa sa Pilipinas, nasasalamin ang husay, sipag, talento, at pagkamalikhain ng ating mga kababayan. Sa pagtangkilik sa sariling atin, nakatutulong tayo sa paglago ng ating mga lokal na industriya at kabuhayan.

Ngayong araw, ating ginugunita ang pamana ni Benigno “Ninoy” Aquino Jr., isang pilipinong nagpakita ng katapangan, panin...
21/08/2026

Ngayong araw, ating ginugunita ang pamana ni Benigno “Ninoy” Aquino Jr., isang pilipinong nagpakita ng katapangan, paninindigan, at sakripisyo para sa bayan. Ang kanyang tapang na ipaglaban ang kalayaan, demokrasya, at karapatan ng bawat Pilipino ay naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng ating bansa.

Nawa’y maging inspirasyon sa bawat Pilipino ang kanyang katapangan upang patuloy na magsalita para sa tama at gumawa ng mga hakbang tungo sa mas progresibo at payapang kinabukasan.



Paggunita ng tanggapan ng Turismo at Kultura sa Ama ng Las Piñas.Ngayong araw, ating ginugunita si dating Mayor Nene Agu...
20/08/2026

Paggunita ng tanggapan ng Turismo at Kultura sa Ama ng Las Piñas.

Ngayong araw, ating ginugunita si dating Mayor Nene Aguilar nang may pasasalamat sa kanyang naging paglilingkod sa ating lungsod.

Bilang pag-alaala, ating gunitain ang kanyang kalidad at bilis sa serbisyong publiko sa Las Piñas. Nawa’y patuloy nating pagyabungin at ipagpatuloy ang kanyang nasimulan.

𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭, 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐍𝐞𝐧𝐞! 🕊️

Mula sa Tanggapan ng Turismo at Kultura ng Las Piñas kami’y lubos na nagpapasalamat sa Kagawaran ng Turismo, Pambansang ...
17/08/2026

Mula sa Tanggapan ng Turismo at Kultura ng Las Piñas kami’y lubos na nagpapasalamat sa Kagawaran ng Turismo, Pambansang Punong Rehiyon (DOT NCR), sa pagkilala at pagbibigay-pansin sa mga kuwento at yaman ng Lungsod ng Las Piñas. Mula sa makasaysayang monumento ng Labanan sa Tulay ng Zapote, sa mahigit dalawang siglong simbahan ng Saint Joseph na tahanan ng pandaigdigang kinikilalang Las Piñas Bamboo Organ hanggang sa likas na ganda ng Las Piñas-Parañaque Wetland Park, maganda nitong naipapakita ang iba’t ibang kuwento, pamana, at karanasang bumubuo sa Las Piñas na buong pagmamalaki nating tinatawag na ating tahanan.

Ipinagmamalaki rin natin na kabilang sa tampok si SB19’s Stell, isa sa mga talentong unang umusbong ang pagmamahal sa sining. Ang kanyang kuwento ay nagdaragdag ng makabuluhang bahagi sa pagkakakilanlan ng ating lungsod at sumasalamin sa talento, dedikasyon, at determinasyon ng mga Las Piñero.





Happy Birthday, Ivannovich Dmitriv T Agt! Greetings from the Las Piñas Tourism and Culture Office! Wishing you good heal...
13/08/2026

Happy Birthday, Ivannovich Dmitriv T Agt! Greetings from the Las Piñas Tourism and Culture Office! Wishing you good health, continued success, and many more years of dedicated and meaningful public service. Mabuhay ka! 🎂🎉

𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔“𝘔𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘐𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘔𝘪𝘵𝘩𝘪𝘪𝘯”Magkakaiba man ang ating pinagmulan, kalagayan, ...
12/08/2026

𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔
“𝘔𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘺𝘢𝘯, 𝘐𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘔𝘪𝘵𝘩𝘪𝘪𝘯”

Magkakaiba man ang ating pinagmulan, kalagayan, kuwento, at mga landas na tinatahak, iisa ang mithiin ng bawat kabataan ang magkaroon ng tinig na pinakikinggan, pangarap na pinanghahawakan, at pusong may tapang na kumilos para sa ikabubuti ng nakararami.

Sa paggunita ng Pambansang Araw ng Kabataan 2026, kinikilala ng Tanggapan ng Turismo at Kultura ng Las Piñas ang mahalagang gampanin ng kabataan bilang lakas, pag-asa, at tagapagpatuloy ng ating pamayanan. Ang kabataan ay hindi lamang mga tagapagmana ng kinabukasan. Sila rin ay mga tagapaghubog nito. Sa bawat tinig na may lakas ng loob na magsalita, sa bawat kamay na handang tumulong, sa bawat isip na patuloy na lumilikha, at sa bawat pusong may malasakit sa kapwa at pamayanan, unti-unting nabubuo ang isang kinabukasang higit na maunlad at mapayapa.

Makabuluhang Araw ng Kabataan 2026!
Mabuhay ang kabataang Las Piñero!



✨ BUWAN NG WIKA 2026 ✨Nakikiisa ang Tanggapan ng Turismo at Kultura ng Las Piñas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pamba...
05/08/2026

✨ BUWAN NG WIKA 2026 ✨
Nakikiisa ang Tanggapan ng Turismo at Kultura ng Las Piñas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026. Sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”.

Ating kinikilala ang mahalagang papel ng wikang pambansa sa makabagong panahon, kung saan ang Artificial Intelligence (AI) ay nagsisilbing katuwang sa pagpapalawak ng kaalaman, pagpapasigla ng pananaliksik, at pagpapadali sa pag kalap ng impormasyon. Gayunman, nananatili ang Wikang Filipino bilang puso ng ating komunikasyon at ang tanda ng ugnayan ng bawat Pilipino sa kanyang kultura, pamana, at kasaysayan. Ang pagsasanib ng tradisyon at inobasyon ay hindi lamang nagbubukas ng mas maraming oportunidad sa pagkatuto kundi nagsisilbi ring tulay upang maipreserba at maipagmalaki ang mayamang kultura at pamanang Pilipino.

Bilang tagapagtaguyod ng ating lokal na kasaysayan, sining, at pamanang kultural ng Las Piñas, hinihikayat ng Tanggapan ng Turismo at Kultura ang bawat isa na patuloy na gamitin at ipagmalaki ang Wikang Filipino sa iba't-ibang larangan, at sa responsableng paggamit ng makabagong teknolohiya.

Maligayang Buwan ng Wika 2026!
Mabuhay ang Wikang Filipino! 🇵🇭

Celebrating the 112th Anniversary of the Iglesia ni Cristo-a milestone that reflects over a century of faith, unity, and...
25/07/2026

Celebrating the 112th Anniversary of the Iglesia ni Cristo-a milestone that reflects over a century of faith, unity, and dedication to serving God. May this occasion inspire continued commitment to spiritual growth, community service, and shared values.


The Las Pinas Tourism and Cultural Office in coordination with the Department of Tourism - NCR conducted a 2-day Tourism...
23/07/2026

The Las Pinas Tourism and Cultural Office in coordination with the Department of Tourism - NCR conducted a 2-day Tourism Code formulation Seminar/Workshop on July 22-23, 2026 held at the Las Pinas City Café.

This seminar/workshop will help shape policies in Las Pinas City toward promoting sustainable tourism, preserving cultural heritage, and fostering inclusive economic growth in the city.

LPCTCO expresses its gratitude to Ms. Bamba Ramos and Mr. Ramon Gold Tiongco Jr. from the Department of Tourism – NCR, as key note speakers and facilitators of the activity.

Sulong turismo sa Las Piñas!



REST IN PEACE, COUNCILOR DOC ERIC 🕊️Ang Tanggapan ng Turismo at Kultura ay nagpaabot ng taos-puso at lubos na pakikirama...
20/07/2026

REST IN PEACE, COUNCILOR DOC ERIC 🕊️

Ang Tanggapan ng Turismo at Kultura ay nagpaabot ng taos-puso at lubos na pakikiramay sa naulilang pamilya. Nakikiisa kami sa pamayanan sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng inyong minamahal at dalangin namin na bigyan siya ng Panginoon ng walang hanggang kapahingahan, habang ipinagkakaloob ang lakas, kaaliwan, at kapayapaan sa lahat ng nagluluksa. Nawa’y patuloy ninyo silang isama sa inyong mga panalangin.

Address

Las Piñas
1740

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Las Piñas City Tourism and Cultural Office - LPTCO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Las Piñas City Tourism and Cultural Office - LPTCO:

Shortcuts

Share