25/08/2026
SA MGA LARAWAN || Matagumpay na naisagawa ang Taunang Pisikal na Pagsusuri sa Kalusugan sa Punong Tanggapan ng Ikatlong Distrito, Kawanihan ng Pamatay Sunog - Pambansang Punong Rehiyon
Sa pangunguna ng ating Regional Director, FCSUPT ROY RODERICK P AGUTO, DSC, at sa masiglang pangangasiwa ng ating District Fire Marshal, FSSUPT ARLENE A BALAIS, DSC, matagumpay na naisagawa ang Taunang Pisikal na Pagsusuri sa Kalusugan sa mga Opisyal at mga tauhan ng Tanggapan ng Ikatlong Distrito, sa pamamagitan ng Regional Health Service Unit (RHSU), sa pangunguna ni FSSUPT GLEZIE A DAUZ.
Layunin ng aktibidad na masuri at masubaybayan ang pangkalahatang kalusugan at kapakanan ng mga tauhan, upang matiyak na napananatili ang kanilang kalusugan, upang matiyak ang kahandaan ng bawat tauhan na magampanan ng buong giting at kalakasan ang kanilang mga tungkulin, na paglingkuran ang publiko at ang ating mga komunidad.