19/08/2026
Magandang araw, Evanians!
Kanselado parin ang face-to-face classes bukas, August 20, 2026 araw ng Huwebes kaya naman ipapatupad muli ang Alternative Learning Modalities kung saan magpapatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng structured distance learning tulad ng modular, online, asynchronous, o limited activities.
Pinapayuhan ang lahat ng mag-aaral, magulang o guardians na makipag-ugnayan sa mga g**o ng bawat asignatura para sa mga gawaing pampaaralan.
Hangad namin ang kaligtasan ng bawat isa. Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pag-unawa.