27/07/2026
🥔🌿 NUTRITION MONTH 2026 | COOKING CONTEST 🌿🥔
Matagumpay nating naisagawa ang ating Nutrition Month Cooking Contest ngayong ika 24-July sa Day Care Center! Taos-pusong pagbati sa lahat ng mga nagwagi at sa lahat ng mga nanay na buong pusong lumahok at nagpakita ng kanilang husay sa paghahanda ng masustansya at masarap na putahe gamit ang PATATAS bilang pangunahing sangkap. Ang bawat entry ay itinampok ang konsepto ng 4Ms (Masarap, Masustansya, Mura, at Madaling Lutuin).
Ang programang ito ay handog ng Barangay Pamplona Tres sa pangunguna ni Kap. Mori Riguera and council, sa pamamagitan ng Committee on Health and Nutrition na pinamumunuan ni BNAO and Kagawad Raiza Riguera at BNS Weng Barrientos, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2026.
Lubos din po ang aming pasasalamat kay Teacher Elizabeth Hernandez De Grano sa kanyang suporta at pakikiisa upang maging matagumpay ang ating programa.
Bilang bahagi rin ng ating pagdiriwang ng Nutrition Month, namahagi rin tayo ng mga bitamina para sa ating mga kabataan bilang suporta sa kanilang kalusugan at maayos na paglaki.
Maraming salamat sa ating mga hurado and kagawad (Kag Rey Salonga, Kag Romy Bautista, Kag Manny Ochoa, Kag Rody Trinidad), BDRRMO supervisor Charlie Miranda, Clean and Green supervisor Wally Villanueva, Senior VP Cecile Ingalla, SPTA President Cherry Mae, mga magulang, volunteers, at sa lahat ng tumulong at nakiisa. Muli, binabati namin ang lahat ng mga nanalo at maging ang lahat ng lumahok sa ating patimpalak. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagsusulong ng masustansyang pamumuhay at mas malusog na pamayanan!