KP - Barangay Daniel Fajardo

Directions

KP - Barangay Daniel Fajardo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from KP - Barangay Daniel Fajardo, Public & Government Service, Padre Diego Cera Avenue, Las Piñas.

🔊ABISO MGA KA-BARANGAY
10/03/2026

🔊ABISO MGA KA-BARANGAY

20/02/2026
20/02/2026

⚖️ SUSTENTO PARA SA ANAK

Paano Mag-file ng Economic Abuse sa ilalim ng Republic Act No. 9262

(Anti-Violence Against Women and their Children Act)

Ang hindi pagsuporta ng ama sa kanyang anak—legitimate man o illegitimate—ay maaaring ituring na ECONOMIC ABUSE at may parusang pagkakakulong.

📌 MGA KAILANGAN BAGO MAG-FILE

1️⃣ May Demand for Support

Kailangang may patunay na humingi ka ng sustento:
• Demand letter sa tirahan o trabaho ng ama
• Kung nasa abroad o hindi matagpuan:
• Ipadala sa kamag-anak
• Last known address
• Email, chat, o PM sa social media
📌 Electronic messages ay valid evidence

❗ Walang demand = walang kaso sa ilalim ng RA 9262

2️⃣ Edad ng Bata
• 18 years old pababa, o
• Lampas 18 pero nag-aaral pa (college o technical/vocational)

3️⃣ Walang Barangay Conciliation
• Criminal case ito
• May parusang lampas 1 taon na kulong
• Exempted sa Katarungang Pambarangay

🏛️ PAANO ANG PROSESO?

1️⃣ Pumunta sa PNP Women and Children Protection Desk
Sabihin na magfa-file ka ng Economic Abuse under RA 9262

2️⃣ Gagawa sila ng:
• Police blotter
• Sinumpaang Salaysay

3️⃣ Ang pulis ang magpapasa ng kaso sa Prosecutor’s Office

4️⃣ Maglalabas ng Subpoena ang prosecutor sa ama
➡️ Para sa Preliminary Investigation

📌 Kadalasan, magsusustento na ang ama para maiwasan ang kulong
⚠️ Siguraduhing LAGING MAY SULATAN

⛔ MAHALAGANG PAALALA SA KASULATAN
• Walang permanent o fixed amount
• Depende sa:
• Pangangailangan ng bata
• Kakayahan ng magulang
• Pwedeng tumaas o bumaba sa paglipas ng panahon

💰 MAGKANO ANG TAMANG SUPORTA?

✔️ Walang exact amount sa batas
✔️ Case-to-case basis

Paano mag-estimate:
1. Ilista ang buwanang gastos ng bata
(pagkain, edukasyon, gamot, tirahan, atbp.)
2. Hatiin sa dalawa
3. Kalahati → obligasyon ng ama
4. I-check kung kaya ito ng ama batay sa kanyang kita

Kung kulang o hindi regular, maaaring pumasok sa economic abuse.

❓ MGA MADALAS ITANONG

❓ Paano kung lumaban sa korte?

✔️ Kailangan patunayan:
• May relasyon ng ama at anak
• May kakayahan ang ama
• May demand for support
• Hindi siya nagsuporta kahit may demand

❓ Paano kung hindi inaako ang bata?

Pwede pa rin kung may ebidensya tulad ng:
• DNA test
• Chats, emails, admission
• Testimonya ng witnesses

❓ Paano kung may bagong pamilya na siya?

❗ Walang epekto
Kasal man o hindi, legitimate man o illegitimate ang anak—
➡️ May obligasyon pa rin ang ama

❓ Pwede bang magbigay ng kundisyon ang ama?

🚫 HINDI
Ang suporta ay absolute, hindi conditional
➡️ Kundisyon = economic abuse

❓ Paano kung wala talagang kakayahang magsuporta?

Kung walang capacity, hindi ito papasok sa RA 9262
📌 Dapat INTENTIONAL ang hindi pagsuporta

👶 TUNGKOL SA ILLEGITIMATE CHILD

✔️ May karapatan sa:
• Suporta
• Mana (½ ng sa legitimate child)

✔️ Ang nanay ang may sole parental authority
❌ Hindi pwedeng gawing kondisyon ang sustento kapalit ng custody o visitation

⚠️ TANDAAN:

Ang karapatan sa suporta ng bata ay HINDI NAKADEPINDE kung kasal ang magulang.

📣 Ibahagi para sa kaalaman ng lahat ng magulang at kababaihan.
👍 Follow | Like | Share – Barangay Secretary FB Page

20/02/2026

KATARUNGANG PAMBARANGAY 🫶
Mga Paalala bago mag simula ang pag uusap

Address

Padre Diego Cera Avenue
Las Piñas
1740

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KP - Barangay Daniel Fajardo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share