Barangay Manuyo Uno

Barangay Manuyo Uno Official page of Barangay Manuyo Uno, Las Piñas City.

𝙋𝘼𝙂𝙋𝘼𝙋𝘼𝙇𝘼𝙒𝘼𝙆 𝙉𝙂 𝙆𝘼𝘼𝙇𝘼𝙈𝘼𝙉 𝘼𝙏 𝙆𝘼𝙃𝘼𝙉𝘿𝘼𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙀𝙈𝙀𝙍𝙂𝙀𝙉𝘾𝙔 𝙍𝙀𝙎𝙋𝙊𝙉𝙎𝙀. Dumalo ang ating mga Rescuer na sina Mr. Freddie Fajardo at...
21/08/2026

𝙋𝘼𝙂𝙋𝘼𝙋𝘼𝙇𝘼𝙒𝘼𝙆 𝙉𝙂 𝙆𝘼𝘼𝙇𝘼𝙈𝘼𝙉 𝘼𝙏 𝙆𝘼𝙃𝘼𝙉𝘿𝘼𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙀𝙈𝙀𝙍𝙂𝙀𝙉𝘾𝙔 𝙍𝙀𝙎𝙋𝙊𝙉𝙎𝙀.

Dumalo ang ating mga Rescuer na sina Mr. Freddie Fajardo at Mr. Prince Hitosis sa isinagawang Community Basic Life Support (BLS) Training na ginanap sa Eurotel Alabang–Zapote Road. Ang pagsasanay ay pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) - Las Piñas City, na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga Rescuer sa tamang pagbibigay ng agarang lunas at pagtugon sa mga emergency situation.

Maraming salamat sa BFP Las Piñas City sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at serbisyo para sa mas ligtas at mas handang komunidad.

Laging Handa. Laging Maaasahan. Laging Naglilingkod. 🚒

𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙉𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙜𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙄𝙣𝙙𝙞𝙜𝙚𝙣𝙘𝙮Bagama’t idineklara pong walang pasok bukas, Augusg 21, 2026, ang Baran...
20/08/2026

𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙉𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙜𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙄𝙣𝙙𝙞𝙜𝙚𝙣𝙘𝙮

Bagama’t idineklara pong walang pasok bukas, Augusg 21, 2026, ang Barangay Hall ng Manuyo Uno po ay mananatiling bukas hanggang 12:00 PM para sa mga residente na nangangailangan ng Barangay Indigency at iba pang kinakailangang serbisyo.

Patuloy po ang ating serbisyo para sa ating mga kabarangay na may mahahalagang dokumentong kailangang asikasuhin.

Para sa isang Maunlad na Manuyo Uno-nagkakaisa, nagsisilbi, at patuloy na umuunlad.

𝐒𝐀𝐋𝐔-𝐒𝐀𝐋𝐎: 𝘚𝘵𝘢𝘵𝘦 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘠𝘰𝘶𝘵𝘩 𝘈𝘥𝘥𝘳𝘦𝘴𝘴 • 𝘓𝘢𝘳𝘰 𝘯𝘨 𝘓𝘢𝘩𝘪 • 𝘒𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘔𝘢𝘯𝘶𝘺𝘰 𝘜𝘯𝘰Kabataan ng Manuyo Uno, tara na at magsalo-s...
20/08/2026

𝐒𝐀𝐋𝐔-𝐒𝐀𝐋𝐎: 𝘚𝘵𝘢𝘵𝘦 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘠𝘰𝘶𝘵𝘩 𝘈𝘥𝘥𝘳𝘦𝘴𝘴 • 𝘓𝘢𝘳𝘰 𝘯𝘨 𝘓𝘢𝘩𝘪 • 𝘒𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘔𝘢𝘯𝘶𝘺𝘰 𝘜𝘯𝘰

Kabataan ng Manuyo Uno, tara na at magsalo-salo! 🫶

Ngayong August 23, 2026, sama-sama tayong makilahok sa isang araw ng pakikinig, pakikilahok, at pakikisama sa Bagong Multipurpose Building sa Sultana, 3rd Floor.

1. State of the Youth Address – Makinig at makibahagi sa mga usaping mahalaga para sa kabataan.

2. Laro ng Lahi – Balik-kasiyahan, teamwork, at exciting prizes!

3. Kamayan sa Manuyo Uno – Tapusin natin ang araw sa isang masayang Boodle Fight kasama ang kapwa kabataan.

Huwag palampasin ang pagkakataong makiisa, makipagkaibigan, at maging bahagi ng mas aktibo at mas masayang youth community sa ating barangay 🫶🏻🥳



Ang 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙃𝙖𝙡𝙡 at 𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 𝘾𝙚𝙣𝙩𝙚𝙧 ng Barangay Manuyo Uno ay matatagpuan na ngayon sa 𝙎𝙪𝙡𝙩𝙖𝙣𝙖 𝙨𝙩. Samantala, bagama’t id...
18/08/2026

Ang 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙃𝙖𝙡𝙡 at 𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 𝘾𝙚𝙣𝙩𝙚𝙧 ng Barangay Manuyo Uno ay matatagpuan na ngayon sa 𝙎𝙪𝙡𝙩𝙖𝙣𝙖 𝙨𝙩.

Samantala, bagama’t idineklara pong walang pasok ngayong araw, August 18, 2026, ang Barangay Hall ay mananatiling bukas hanggang 12:00 ng tanghali upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng mga kinakailangang serbisyo sa ating mga residente.

Para sa isang Maunlad na Manuyo Uno- nagkakaisa, nagsisilbi, at patuloy na umuunlad. ❤️

NAKATAKDANG MAINTENANCE ACTIVITY NG MERALCOMagkakaroon po ng nakatakdang maintenance activity ang Meralco sa Diego Cera ...
13/08/2026

NAKATAKDANG MAINTENANCE ACTIVITY NG MERALCO

Magkakaroon po ng nakatakdang maintenance activity ang Meralco sa Diego Cera Avenue sa August 16, 2026 (Linggo), mula 3:00 AM hanggang 5:00 AM.

🔧 Saklaw ng Gawain: Pagpapalit ng lumang 15kVA transformer at pag-install ng 25kVA transformer sa Pole CZ7-0009; TLN-037752.

Pinapayuhan po ang mga residente at mga motorista na dumadaan sa Diego Cera Avenue na magkaroon ng kaukulang paghahanda at maging maingat habang isinasagawa ang naturang gawain.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

DRAINAGE DECLOGGING OPERATION Nagsagawa ng declogging operation ang mga Barangay Utility Workers sa Medina Compound upan...
11/08/2026

DRAINAGE DECLOGGING OPERATION

Nagsagawa ng declogging operation ang mga Barangay Utility Workers sa Medina Compound upang alisin ang mga bara sa daluyan ng tubig at makatulong sa mas maayos na pag-agos nito.

Patuloy ang pagsisikap ng Barangay Manuyo Uno na tugunan ang mga epekto ng pag-ulan at pagbaha at mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa ating komunidad.

Patuloy po tayong mag-ingat at makipagtulungan para sa kaligtasan ng bawat isa.

HAPPENING NOW | August 10, 2026 | 1:45 PMSinimulan na po ang pagpapa-pump ng tubig sa Lombos Compound gamit ang submersi...
10/08/2026

HAPPENING NOW | August 10, 2026 | 1:45 PM

Sinimulan na po ang pagpapa-pump ng tubig sa Lombos Compound gamit ang submersible water pump upang makatulong sa agarang pag-declog at pagpapababa ng tubig sa lugar.

Ang Barangay Manuyo Uno po ay nagpapasalamat sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa agarang pagtugon at pakikipagtulungan sa isinasagawang operasyon.

Patuloy po nating mino-monitor ang sitwasyon sa lugar at nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan upang matiyak ang agarang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga residente.

MANUYO UNO FLOOD MONITORING UPDATEAs of 10:27 PM | August 8, 2026Narito ang kasalukuyang sitwasyon ng tubig sa ilang lug...
08/08/2026

MANUYO UNO FLOOD MONITORING UPDATE
As of 10:27 PM | August 8, 2026

Narito ang kasalukuyang sitwasyon ng tubig sa ilang lugar sa Barangay Manuyo Uno:

• Lombos Compound — Waist-deep to Chest-deep
• Sultana (Depante) — Gutter-deep
• City Homes — Gutter-deep
• Boracay Court — Ankle-deep
• Kholiz — Knee-deep
• Lopez — Gutter-deep

Patuloy na mino-monitor ng Barangay Manuyo Uno ang kondisyon ng mga lugar na apektado ng pagtaas ng tubig. Pinapayuhan ang lahat ng residente na manatiling mapagmatyag, iwasang lumusong sa baha kung hindi kinakailangan, at maging handa sakaling patuloy na tumaas ang tubig.

KUNG KAILANGAN NG AGARANG TULONG, MAKIPAG-UGNAYAN SA:

📞 0969 324 4112
☎️ 8829-5517

BANTAY MAYMAY 2026Nananatiling naka-full alert ang Barangay Manuyo Uno Fire and Rescue Team upang matiyak ang agarang pa...
07/08/2026

BANTAY MAYMAY 2026

Nananatiling naka-full alert ang Barangay Manuyo Uno Fire and Rescue Team upang matiyak ang agarang pagtugon sa anumang emergency na maaaring idulot ng masamang panahon. Patuloy ang aming pagbabantay at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya para sa kaligtasan ng ating komunidad.

Para sa anumang emergency o agarang pangangailangan ng tulong, makipag-ugnayan agad sa Barangay Manuyo Uno. Nananatili kaming nakaantabay 24/7 upang magbigay ng agarang responde para sa kaligtasan ng ating komunidad.

EMERGENCY HOTLINE
📞 0969 324 4112
☎️ (02) 8829-5517

Hindi Ka Nag-iisa. May Handang Tumulong!Kung ikaw o ang isang kakilala ay dumaranas ng matinding lungkot, pagkabalisa, s...
04/08/2026

Hindi Ka Nag-iisa. May Handang Tumulong!

Kung ikaw o ang isang kakilala ay dumaranas ng matinding lungkot, pagkabalisa, stress, o anumang krisis sa kalusugang pangkaisipan, huwag mag-atubiling humingi ng tulong.

Narito ang mga National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline numbers na maaari mong tawagan anumang oras:
☎️ 1553 (Landline, available nationwide)
📱 0919-057-1553 (Smart/TNT)
📱 0966-351-4518 (Globe/TM)
📱 0917-899-8727 (Globe/TM)

Para sa mga bata at kabataan, bukas rin ang MAKABATA Helpline 1383, na nagbibigay ng 24/7 na suporta para sa mga usaping may kaugnayan sa kapakanan ng bata.

Ang paghingi ng tulong ay tanda ng lakas, hindi ng kahinaan. Isang tawag lamang ang maaaring maging simula ng pag-asa, paggaling, at panibagong pag-asa sa buhay, dahil ang iyong MENTAL HEALTH ay MAHALAGA. 💚

Address

Tramo Street , Barangay Manuyo Uno
Las Piñas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Manuyo Uno posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share