25/07/2024
๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ง๐จ๐๐ข๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐ง๐ข๐ฃ ๐ญ ๐ฆ๐ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ก๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ ๐๐๐ ๐ฃ ๐ง๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐
SANTIAGO CITY- Itinanghal bilang Top 1 sa klase sa katatapos na ROTC Summer Camp Training 2024 Class 02-24 ang tubong Lasam, Cagayan na si Reiven Jenerry Racca, 18-anyos, at 1st year sa kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Cagayan State University.
Sa eksklusibong panayam ng 104.9 XFM Santiago kay Ms. Racca, kanyang sinabi na hindi nito inasahan na mangibabaw siya sa kanilang klase dahil ginawa lamang niya ang lahat ng kanyang makakaya at siya ay nakinig lamang ng mabuti sa turo ng kanilang instructor.
Ibinahagi nito na para makapagpokus at hindi ito antukin sa klase ay naglalagay ito ng vics sa paligid ng kanyang mata.
Masaya anya ito sa kanyang nakamit dahil mayroon itong maihahandog at maipagmamalaki sa kanyang mga magulang.
Nahikayat anya ito na pumasok sa ROTC dahil humahanga ito sa mga nakikita nitong nakaunipormeng opisyal ng sundalo sa kanilang lugar.
Si Racca ay nakakuha ng 94 percent sa kanilang klase na kabilang sa ROTC Summer Camp Training o RSCT Class 02-24 "MARAGTAS" na nagtapos kahapon, July 24 2024 sa nasabing pagsasanay sa Camp Melchor F. Dela Cruz-Annex, Soyung, Echague, Isabela.
(Katropang-intern Lhevie Jae Daquioag__BA-COM_ISU-E)