03/06/2026
𝗧𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗦𝘂𝗸𝗹𝗶, 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗖𝗮𝗻𝗱𝘆: 𝗕𝗮𝘄𝗮𝗹 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮-𝗦𝘄𝗲𝗲𝘁 𝗻𝗮 𝗦𝘂𝗸𝗹𝗶!
Sa ilalim ng Republic Act No. 10909 o “No Shortchanging Act,” bawal ang kulang na sukli at bawal ang pagbibigay ng candy, gum, o anumang produkto bilang kapalit ng pera. Ang sukli ay dapat eksaktong pera - barya o papel - walang palitan, walang “pa-sweet” na diskarte.
Kapag walang eksaktong barya, dapat pabor sa mamimili ang rounding off.
Narito ang tatlong (3) mahalagang paalala tuwing namimili:
❌ Bawal ang candy o gum bilang sukli.
Ang candy o gum ay hindi legal na sukli. Ang tamang sukli ay pera, hindi pagkain o produkto.
❌ Bawal ang "barya lang sa umaga" na dahilan
Obligasyon ng mga tindahan, supermarket, restaurant, at pampublikong sasakyan na maghanda ng sapat na panukli sa lahat ng oras.
✅ Kapag walang eksaktong barya, dapat pabor sa mamimili ang rounding off.
Mas makatarungan na bawasan ang singil kaysa bawasan ang sukli ng customer.
Huwag mahiyang ipaglaban ang tamang sukli. Bawat piso at sentimo ay pinaghirapan mo kaya karapatan mong makuha ito nang buo at tama.
#𝘞𝘪𝘳𝘞𝘢𝘯𝘊𝘢𝘨𝘢𝘺𝘢𝘯
Cagayan Provincial Information Office PIA - Cagayan Cagayan Valley Vlog CPIO-Panawagan at Iba Pa Radyo Pilipinas Tuguegarao Radyo Kalugaran 97.7FM - Claveria Cagayan Valley DWRL 95.1 FM Official