07/04/2026
“Isang nakakalungkot at mabigat na realidad ang kinahaharap ng sistemang pangkalusugan sa Pilipinas.”
May Stage 4 ovarian cancer na si Roselyn mula Lebak, Sultan Kudarat. Kinakailangan pang sumakay sa duyan na gawa sa nylon at kawayan para makatawid ng ilog. Kailangan din niyang bumiyahe ng halos 11 oras makarating lang sa pinakamalapit na pagamutan.
May sakit naman sa bato, atay, puso at baga ang ama ni Raniel na si Jeorge. At dahil hindi nila kayang isugod pa uli siya sa pinakamalapit na ospital o bilhan man lang ito ng oxygen tank, napilitan silang pumara-paraan na lang—gumawa sila ng improvised oxygen tank.
Ito ang realidad na dinaranas ng ilan nating mga kababayan na naghahangad lang naman ng disenteng serbisyong medikal pero nakatira sa mga liblib na lugar.
Matapos isiwalat ang umano’y mga iregularidad tulad ng bid rigging at non-functional units, napaulat na sinibak siya sa puwesto. May mga anomalya nga bang dapat sagutin?
Panoorin ang Kapuso Mo, Jessica Soho Special Reports sa link na nasa comment section.
Sa mga nais tumulong kina Roselyn at Jeorge, magdeposito sa:
BANK: BDO NETWORK BANK
ACCOUNT NUMBER: 040060165383
ACCOUNT NAME: JONNEL GINDAP
GCASH
09569442637
JEORGE BONANCIA