01/06/2026
๐๐ฅ๐๐๐ฒ ๐๐๐๐ฎ๐ง๐ฎ๐ง๐ ๐๐ฐ๐๐ซ๐๐ฌ, ๐๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ก ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ, ๐ข๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐
(Legazpi City, May 31, 2026) Ilulunsad ng Provincial Education Department (PED) ang Albay Kadunung Awards at Albay Provincial English Language Proficiency Program bukas, unang araw ng Hunyo sa Albay Capitol.
Ito ay gaganapin sa flag raising ceremony na pangungunahan ng PED sa pamumuno ni Dr. Jeremy A. Cruz bilang bahagi ng pagpapalakas ng mga inisyatibang pang-edukasyon sa lalawigan.
Layunin ng mga programa na kilalanin ang kahusayan sa academe at palakasin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa wikang Ingles.
Kasunod ng programa, isasagawa ang media conference sa Red Room, Albay Capitol upang ilahad ang mga detalye, layunin, at inaasahang benepisyo ng mga inisyatiba.
Inaasahang makatutulong ang mga programa sa patuloy na pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at paghubog ng kakayahan ng mga mag-aaral sa Albay.
IJBuitre, Albay PIO