06/09/2026
๐๐๐ฆ๐ง๐๐๐๐, ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ข๐๐ข๐ก I ๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ฌ๐จ๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐๐จ๐ฆ๐จ๐๐๐ก: ๐ ๐ข๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐ฉ๐๐๐๐ฆ ๐ด
Maraming rehistradong magniniyog kasama ang kanilang pamilya mula sa mga GIDA Barangays ng Castilla sa probinsya ng Sorsogon ang nakatanggap ng serbisyong medikal hatid mula sa isinagawang Mobile Health Services sa ilalim ng CFIDP Health & Medical Program na pinangunahan ng PCA Region V at PCA Sorsogon Provincial Office noong ika 4-5 ng Setyembre taong 2026.
Katuwang sa pagbibigay serbisyo sa isinagawang aktibidad ang mga partners at stakeholders na binubuo ng BLGU Oras at PhilHealth LHIO Sorsogon.
Narito naman ang mga schedule at lokasyon ng mga susunod na Mobile Health Services sa rehiyon ng Bicol ngayong buwan ng Setyembre:
๐Malinta, Masbate City: September 7-8, 2026
๐Daraga, Albay: September 10-11, 2026
๐Panganiban, Catanduanes: September 14-15, 2026
๐Sagnay, Camarines Sur: September 17-18, 2026
๐Calabanga, Camarines Sur: September 21-22, 2026
๐Ragay, Camarines Sur: September 23-24, 2026
๐Paracale, Camarines Sur: September 26-27, 2026
๐San Vicente, Camarines Sur: September 29-30, 2026
Layunin ng CFIDP Health and Medical Program na mailapit ang mga serbisyong medikal para sa mga magniniyog at kanilang pamilya para sa matatag, masagana at progresibong industriya ng niyog at magniniyog sa bansa.