20/05/2026
๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฉ'๐ญ ๐๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ๐ฌ๐จ๐ซ, ๐ง๐๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ ๐ง๐
(Legazpi City, May 20, 2026) Nanumpa na ang bagong talagang department head ng Albay Provincial Human Settlement Office at ng Provincial Assessor's Office nitong ika-18 ng Mayo na pinangunahan ni Albay Governor Noel E. Rosal.
Kinilala bilang bagong Provincial Assessor si Darla-Mae Z. Bulalacao at si Engr. Karen B. Olayres, J.D. bilang ganap na Provincial Human Settlement Officer.
Ayon kay Provincial Human Resource Management Office OIC Corazon D. Revale, matapos ang ginawang oath-taking, ipapasa na sa Sangguniang Panlalawigan ang concurrence ng dalawang department heads.
Ipinaabot naman ni Albay Governor Noel E. Rosal ang kaniyang pagbati sa dalawang department heads at sa lima pang na-promote na empleyado ng Pamahalaang Lokal ng Albay at umaasang ipagpapatuloy ng mga ito ang mahusay at tapat na paglilingkod sa publiko.
LGuazon, Albay PIO