31/08/2026
PLTCOL ALDIN A BALAGAT, OIC, LEGAZPI CPS, NAGBIGAY NG MENSAHE NG SUPORTA SA COMMUNITY ACTION FOR RESILIENCE AND EMERGENCY SUPPORT TRAINING (CARES) SA BRGY. PADANG, LEGAZPI CITY
Sa pamumuno ni PLTCOL ALDIN A BALAGAT, OIC, Legazpi CPS, nakiisa ang himpilan ng pulisya at nagbigay ng Message of Support sa Community Action for Resilience and Emergency Support Training (CARES) na isinagawa sa Brgy. 50-Padang, Legazpi City, sa pamumuno ni Punong Barangay Harold Bembenuto.
Ang nasabing programa ay isinagawa ng 4th Special Forces Battalion, sa pangunguna ni 2LT FRANCIS MIGUEL C VILLA P.A., bilang bahagi ng kanilang mga programa na naglalayong palakasin ang kahandaan, katatagan, at kakayahan ng komunidad sa pagtugon sa mga kalamidad, sakuna, at iba pang emergency situations.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PLTCOL BALAGAT ang kahalagahan ng pagtutulungan at koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan, security forces, barangay officials, at mga mamamayan upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng komunidad.
Ipinahayag din ni PLTCOL BALAGAT ang buong suporta ng Legazpi CPS sa mga programang naglalayong palakasin ang disaster preparedness, community resilience, at emergency response capabilities ng mga residente.
Patuloy na hinihikayat ng Legazpi CPS ang publiko na makiisa sa mga programa at aktibidad pangkaligtasan at paghahanda upang higit na mapalakas ang collective resilience at matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.