23/05/2022
[A] PAUNAWA
Bilang paghahanda sa pagpasok ng susunod na administrasyon, ihihinto muna ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa medical at burial assistance simula 01 June 2022. Ito po ay upang maging maayos ang pag-transition at pag-turnover ng programa sa susunod na bise presidente.
Makakaasa po kayong babalikan kayo agad ng Tanggapan para sa mga updates ukol dito.
Muli, taos-pusong pasasalamat sa inyong tiwala sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo. Isang malaking karangalan po sa amin na kayo ay mapagsilbihan.