10/08/2026
๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐๐ฅ๐ ๐ข: ๐ฆ๐๐ฏ๐ฑ๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฆ๐๐ฟ๐๐ฒ๐ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ป๐๐บ๐ฝ๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ, ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ข๐ฎ๐
LUNGSOD NG LEGAZPI โ Isang makabuluhang hakbang tungo sa seguridad sa lupa ang isinakatuparan ng Department of Agrarian Reform Municipal Office (DARMO) Oas sa pamamagitan ng paghahatid ng dalawang mahalagang serbisyo para sa mga magsasakang benepisyaryo ng nasabing bayan.
Nitong ika-6 ng Agosto, matagumpay na isinagawa ng DARMO Oas, katuwang ang Survey Team ng DAR Albay Provincial Office (DARPO Albay), ang subdivision survey sa dalawang lupain sa mga Barangay Maramba at Balogo na may kabuuang lawak na 15.4 ektarya. Layunin ng survey na ito na matukoy ang tumpak na hangganan ng mga lupaing ipapamahagi upang matiyak ang malinaw na pagmamay-ari ng bawat benepisyaryo.
Sa parehong araw, pormal ding pinanumpa ang 16 na kwalipikadong magsasakang benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa gabay at asistensya ng DARMO Oas. Tatlo sa kanila ay mga benepisyaryo sa ilalim ng proyektong Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT). Ang mga nanumpang magsasaka ay nakatakdang makatanggap ng kabuuang 36 ektarya ng lupaing agrikultural na matatagpuan sa mga Barangay Maramba, Balogo, at Ramay.
Ang mga aktibidad ito ay bahagi ng Land Acquisition and Distribution (LAD) sa ilalim ng Land Tenure Security Program (LTSP) ng DAR, na naglalayong isulong ang patas na pamamahagi ng lupa para sa kapakanan ng mga magsasaka.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pangunguna ni Municipal Agrarian Reform Program Officer (MARPO) Joseph L. Obsequio, kasama ang kanyang mga technical personnel na sina Senior Agrarian Reform Program Technologist (SARPT) Ma. Romalyn Jesusa Nas, ARPT Maverick Igura, at TSS Paulina Mercedes Arevalo. Katuwang din sa tagumpay na ito ang DARPO Albay Survey Team na sina Engr. Alberto A. Tibi, Engr. John Carlo Ciruelos, Engr. Chino Magdaong, at Marlon Lorejo.
Sa pamamagitan ng mga inisyatibong ito, patuloy na pinagtitibay ng DAR ang adhikain ng pamahalaan na mabigyan ng sariling lupa at mas maunlad na pamumuhay ang mga magsasaka.
๐๐ญ๐ข๐ต ๐ข๐ต ๐ฎ๐จ๐ข ๐ญ๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ: ๐๐ข. ๐๐ฐ๐ฎ๐ข๐ญ๐บ๐ฏ ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด๐ข ๐๐ข๐ด, ๐๐๐๐๐