06/10/2026
๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐, ๐๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 34th National Family Week, nagsama-sama ang mga OFW Family Circle para sa isang makabuluhang hapon ng pagkatuto, pagbabahagi, at pagpapalakas ng ugnayan ng pamilya sa Family Development Support Program for OFW Family Circles na ginanap noong September 30, 2026 sa DY Valjero Hall, Naga City, Camarines Sur.
Nagbigay ng mensahe si Jenvie Diaz-Agualo, OIC-Regional Director ng OWWA RWO V, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga OFW Family Circles (OFCs) sa mga ganitong programa at aktibidad. Aniya, mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga OFC sa pagpapalakas ng ugnayan ng mga pamilyang OFW at sa pagbuo ng mas matatag na suporta sa loob ng kanilang mga komunidad. Nagbigay rin ng mensahe si Annabel SJ. Vargas, Head of City Social Welfare Development Office. Samantala, si Jefferson S. Bagadiong, Migration and Development Program Assistant ng LGU-Naga City, ang nagbigay ng mensahe sa ngalan ni Roderick โNonoyโ Reforsado, Head of Metro Naga PESO.
Bitbit ang tema na โBuilding Stronger Families, Strengthening Communities,โ naging sentro ng programa ang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa buhay ng mga OFW at kanilang pamilya. Unang tinalakay ang Effective Long-Distance Communication and Strengthening Family Bonds Beyond Distance, kung saan ibinahagi ni Chaplain Steven Guianan ng National Auxiliary Chaplaincy Philippines, Inc. (NACPHIL) ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon at pagpapanatili ng matatag na ugnayan ng pamilya kahit magkakalayo.
Sinundan ito ng Mental Health and Well-Being of OFW Families, na tinalakay ni Leonard Pericles Festin, MD, Medical Officer III ng Naga City Health Office, na nakatuon sa pangangalaga sa mental at emotional well-being ng mga miyembro ng pamilyang OFW.
Para sa ikatlong session, tinalakay naman ang Financial Literacy for OFW Families nina Alvin S. Aguilar at Kervin Ray S. Ante ng BSP South Luzon, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa maayos na paghawak, pagpaplano, at pamamahala ng pananalapi para sa mga pamilyang OFW.
May kabuuang 50 participants ang nakibahagi sa aktibidad, na naging pagkakataon para sa mga miyembro ng OFW Family Circle na mapalawak ang kanilang kaalaman sa komunikasyon, mental well-being, at financial management habang pinatitibay ang ugnayan sa loob ng pamilya.
Isang makabuluhang paggunita sa National Family Week na nagpapaalala na kahit may distansyang dulot ng pangingibang-bansa, maaaring manatiling matatag ang ugnayan ng pamilya sa pamamagitan ng komunikasyon, pag-unawa, at sama-samang paghahanda para sa kinabukasan.