12/10/2026
PAALALA SA PUBLIKO ๐ขโผ
Pinapaalalahanan ng Land Transportation Office (LTO) Region V ang publiko na mag-ingat sa mga taong gumagamit ng larawan, pangalan, o pagkakakilanlan ng mga lehitimong empleyado ng LTO nang walang pahintulot, at nagpapanggap bilang kawani ng ahensya upang makipagtransaksyon sa publiko.
Huwag makipagtransaksyon sa sinumang nagpapanggap na empleyado ng LTO, lalo na sa mga transaksyong isinasagawa sa pamamagitan lamang ng Facebook Messenger. Walang awtorisadong transaksyon ang LTO na isinasagawa lamang sa pamamagitan ng Facebook Messenger, partikular kung may hinihinging bayad, personal na impormasyon, o sensitibong dokumento.
Maging mapanuri at tiyaking ang inyong mga transaksyon ay isinasagawa lamang sa pamamagitan ng opisyal at awtorisadong channels at tanggapan ng LTO.
Kung may natanggap na kahina-hinalang mensahe o may taong nagpapakilalang kawani ng LTO, huwag makipagtransaksyon at agad itong i-verify sa pinakamalapit na LTO Office.
Huwag magpaloko. Mag-ingat, magsuri, at makipagtransaksyon lamang sa lehitimong channels ng LTO.
Isinasagawa ang mga hakbang na ito bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga adhikain ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., alinsunod sa mga patakarang isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez at LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao, at sa patuloy na pamumuno nina LTO Regional Director Allan Castillejos at Assistant Regional Director Vincent Nato.