12/06/2026
๐๐ธ๐ฎ-๐ญ๐ฎ๐ด ๐ง๐ฎ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป!๐ต๐ญ
Ang kalayaan ay hindi lamang nangangahulugang paglaya mula sa pananakop ng mga dayuhan, kundi pati na rin ang paglaya mula sa korapsyon, pang-aabuso sa kapangyarihan, at anumang uri ng kawalang-katarungan sa lipunan.
Ngayong ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ญ๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐, ating alalahanin at parangalan ang kabayanihan, tapang, at wagas na pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong nakipaglaban at nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan at kinabukasan ng sambayanang Pilipino.
Bagamaโt tayo ay malaya na sa pananakop ng ibang bansa, ngunit nananatili pa rin ang pagkakulong ng lipunan sa sistema ng korapsyon, pagkakahati-hati ng mga tao dahil sa kulay, at hindi pantay na pagtrato sa bawat isa. Nawaโy magsilbi itong paalala sa ating lahat na ang tunay na kalayaan ay nagsisimula sa puso ng bawat Pilipinong handang manindigan para sa katotohanan, ipaglaban ang karapatan ng mamamayan, at maglingkod ng may malasakit sa bayan.
Sa araw na ito, nawaโy maging inspirasyon tayo sa isaโt isa upang patuloy na ipaglaban ang pagkakaisa, katarungan, at tunay na pagbabago para sa mamamayan at para sa bayan.
Muli, maligayang ika-128 na Araw ng Kalayaan, Pilipinas! ๐ต๐ญ