05/10/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐
, ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐; ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐
Agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng isang drayber na bumangga sa isang 82-anyos na babaeng pedestrian na tumatawid sa itinalagang pedestrian lane sa Naga City, Camarines Sur.
Batay sa isinumiteng ulat, bandang alas-5 ng umaga noong Oktubre 5, 2026, binabaybay ng naturang sasakyan ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Concepcion Grande, Naga City, Camarines Sur patungo sa Barangay Del Rosario nang mabangga nito ang 82-anyos na pedestrian na tumatawid sa itinalagang pedestrian lane.
Dahil sa insidente, nagtamo ng malubhang pisikal na pinsala ang biktima at agad na isinugod sa Bicol Medical Center para sa kaukulang lunas. Gayunman, kalaunan ay idineklarang dead on arrival ang biktima.
Kaugnay nito, agad na ipinag-utos ni Asec. Lacanilao ang lifetime ban sa naturang drayber bilang kaukulang pananagutan sa insidente.
Inatasan ang naturang drayber na isuko ang kanyang driverโs license sa Intelligence and Investigation Unit (IIU) ng LTO Regional Office V para sa kaukulang proseso.
Inilagay na rin sa alarm ang naturang sasakyan at sinuspinde ang lahat ng kaugnay na transaksyon at operasyon nito habang isinasagawa ang kaukulang proseso ng ahensya.
โHindi natin maaaring balewalain ang ganitong insidente, lalo na kapag pedestrian na nasa tamang tawiran ang nabiktima. Malinaw ang ating paninindigan na kailangang managot ang mga drayber na naglalagay sa panganib sa buhay ng ibang road users. Sa ganitong mga kaso, paiiralin natin ang mahigpit na pagpapatupad ng batas at kaukulang pananagutan,โ ayon kay Asec. Lacanilao.
Muling pinaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na mahalagang bigyang-prayoridad ang kaligtasan ng mga pedestrian, lalo na sa mga itinalagang pedestrian lane. Ang maingat at responsableng pagmamaneho, gayundin ang pagbibigay-daan sa mga pedestrian, ay mahalaga upang maiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng malubhang pinsala o pagkawala ng buhay.