30/08/2026
๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐๐ง๐ฌ, ๐๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐ฉ๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ
Binisita ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) Bicol Region ang Naga City upang makapanayam si Mr. Jaime Reblando, OSCA Head, at talakayin ang mga programa, inisyatibo, at best practices ng lungsod para sa kapakanan ng mga senior citizens.
Ibinahagi ni Mr. Reblando ang iba't ibang programa ng Naga City na naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga nakatatanda. Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng mga lokal na ordinansa sa pagpapalakas at pagpapatuloy ng implementasyon ng mga mandato, programa, at aktibidad para sa senior citizens.
Kabilang sa mga inisyatibo ng lungsod ang pagbibigay ng pagkilala sa Best Performing BASCA, na naglalayong hikayatin ang mga Barangay Senior Citizens Associations (BASCA) na maging mas aktibo, responsive, at mahusay sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga senior citizens. Kabilang din dito ang libreng panonood ng sine para sa senior citizens, at ang pagbibigay ng โฑ10,000 cash gift sa mga senior citizens na edad 96, 97, 98, at 99, na ipatutupad simula ngayong taon.
Dagdag pa rito, isinusulong ng lungsod ang employment ng senior citizens sa Local Government Unit (LGU), bilang pagkilala sa kanilang patuloy na kakayahan, karanasan, at ambag sa komunidad. Kabilang din sa mga hakbang ang pagtatalaga ng mga senior counterparts mula sa hanay ng mga LGU officials at department heads upang magsilbing katuwang at kinatawan sa mga usaping may kaugnayan sa kapakanan, serbisyo, at mga pangangailangan ng senior citizens.
Ibinahagi rin niya ang pakikipagtulungan ng Naga City sa McDonaldโs upang makapagbukas ng mga oportunidad sa trabaho para sa senior citizensโisang magandang halimbawa ng partnership na nagbibigay-daan para manatiling produktibo at aktibong bahagi ng komunidad ang mga nakatatanda.
Aniya, para kay Mr. Reblando, ang paglilingkod sa senior citizens ay hindi natatapos sa isang partikular na edad o panahon. Ito ay isang bokasyonโisang patuloy na paninindigan na gawin ang tama, maging patas at makatarungan, at higit sa lahat, tiyaking napapahalagahan at napoprotektahan ang dignidad ng bawat senior citizen, anuman ang sitwasyong kanilang kinakaharap.