21/10/2026
๐พ ๐ฆ๐๐๐ก ๐ฃ๐ช๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐ก๐ง๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ? ๐ก๐๐ ๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ก๐๐ฆ ๐ฆ๐จ๐ฅ, ๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐! ๐พ
Mga magsasaka, ang inyong ani ay mahalaga! Ang NFA Camarines Sur Branch Office ay patuloy na nagbubukas ng oportunidad para sa mga magsasaka na maibenta ang kanilang palay sa ahensya sa ilalim ng programa ng palay procurement.
Upang mas mapadali ang inyong pagpunta at paghahatid ng palay, narito ang mga lokasyon ng ating mga Palay Buying Stations sa buong Camarines Sur at Camarines Norte. Para malaman ang eksaktong lokasyon ng bawat istasyon, i-scan lamang ang nakatalagang QR code at sundan ang direksyon patungo sa inyong napiling buying station.
Huwag nang mag-atubili! Dalhin ang inyong palay sa NFA at samantalahin ang pagkakataong maibenta ang inyong ani sa presyong itinakda ng ahensya, alinsunod sa umiiral na pamantayan at kwalipikasyon sa pagbili ng palay.