Cong. Alfredo "Pido" Garbin, Jr.

Directions

Cong. Alfredo "Pido" Garbin, Jr. Asenso Para sa Gabos na Bicolano

12/10/2026

OFFICIAL STATEMENT OF AKO BICOL PARTY-LIST REPRESENTATIVE ATTY. ALFREDO “PIDO” GARBIN JR.

ON THE REPORTED SHOOTING OF BICOL MEDIA PERSONALITY ADRIAN LOTERTE

October 12, 2026

I strongly condemn the reported shooting of Bicol media personality Adrian Loterte, who, according to initial information reaching our office, is currently undergoing medical treatment following the attack.

Violence has no place in a democratic society, especially when directed against individuals whose work involves informing the public, expressing opinions, and holding public officials accountable.

Adrian Loterte is known in Albay for his hard-hitting commentaries on political and public affairs. Whether one agrees or disagrees with his views, no individual should ever be subjected to violence for exercising the right to free expression.

Differences in political opinions must be answered with reason, facts, and lawful remedies—not bullets.

I call upon the Philippine National Police, particularly the Police Regional Office 5, to conduct an immediate, thorough, and impartial investigation into this incident, identify those responsible, and bring them before the bar of justice.

Authorities must also determine whether this attack was connected to Loterte’s work as a media personality, without ruling out other possible motives until the evidence is established.

As a legislator and principal author of House Bill No. 1605, which seeks enhanced protection, security, and benefits for media workers, I firmly believe that protecting members of the press is essential to safeguarding our democracy.

No journalist, broadcaster, commentator, or ordinary citizen should have to fear for their life simply because they speak their mind.

At this difficult moment, I extend my prayers to Adrian and his family. May he receive the best possible medical care and make a full and speedy recovery.

Let justice prevail, and let the truth come out.

REP. ATTY. ALFREDO “PIDO” GARBIN JR.
Ako Bicol Party-list
House of Representatives

HAPPY WORLD TEACHER’S DAY! 📚🍎Sa lahat ng ating mga g**o sa buong Kabikolan, taos-puso ang aking pasasalamat at pagpupuga...
04/10/2026

HAPPY WORLD TEACHER’S DAY! 📚🍎

Sa lahat ng ating mga g**o sa buong Kabikolan, taos-puso ang aking pasasalamat at pagpupugay sa inyong walang pagod na paglilingkod, sakripisyo, at dedikasyon sa paghubog ng ating mga kabataan.

Ang inyong lingkod, kasama ang Ako Bicol Party-list, ay kaagapay ng bawat g**o upang matugunan ang mga pangangailangan ng sektor ng edukasyon. Naniniwala tayo na ang isang matatag na sistema ng edukasyon ay nagsisimula sa mga g**ong may sapat na suporta at mga paaralang may maayos na pasilidad.

Sa pamamagitan ng ating mga inisyatibo, nakapaghatid tayo ng suporta sa pagpapatayo ng mga silid-aralan sa iba't ibang pampublikong paaralan sa Kabikolan, gayundin sa pagdadala ng educational assistance at iba pang programang makatutulong sa ating mga mag-aaral at g**o.

Higit pa rito, tayo rin ay kasurog ng ating mga g**o sa Kongreso sa pagsusulong at pagpasa ng mga batas na napapanahon, makabuluhan, at tumutugon sa tunay na pangangailangan ng sektor ng edukasyon.

Sa bawat g**o na patuloy na nagtuturo, gumagabay, at nagbibigay-inspirasyon sa kabila ng mga hamon—maraming salamat sa inyong serbisyo.

Patuloy tayong magkaagapay para sa mas matatag na edukasyon at mas magandang kinabukasan ng bawat batang Bikolano.

Mabuhay ang mga g**o! Happy World Teacher’s Day! 💙💛📚

Cong. Atty. Alfredo “Pido” Garbin, Jr.
Ako Bicol Party-list

🚨 PATULOY NA KAAGAPAY SA KALIGTASAN NG MGA DARAGUEÑO! 🚑💨Masayang naisakatuparan ngayong hapon ang opisyal na Turn-Over C...
04/09/2026

🚨 PATULOY NA KAAGAPAY SA KALIGTASAN NG MGA DARAGUEÑO! 🚑💨

Masayang naisakatuparan ngayong hapon ang opisyal na Turn-Over Ceremony ng Rescue Vehicles para sa 54 na barangay sa bayan ng Daraga, Albay!

Isang malaking karangalan para sa inyong lingkod at sa Ako Bicol Party-list na makatulong sa pagsusulong ng proyektong ito. Ang ating initiated fund mula sa National Government—na tunay na pera ng taumbayan—ay matagumpay na na-download sa Local Government Support Fund (LGSF) ng Daraga LGU upang makabili ng mga bagong rescue vehicle na magagamit sa oras ng pangangailangan at sakuna.

Mula sa aming puso, maraming salamat kina Mayor Vic Perete, Vice Mayor Love Ruiz, sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at sa buong LGU ng Daraga sa tapat at wastong paggamit ng pondo para sa kaligtasan ng bawat pamilyang Daragueño.

📌 PANAWAGAN SA LAHAT NG BARANGAY:
Gamitin po natin nang wasto ang mga bagong rescue vehicle na ito at ilaan lamang sa mga opisyal na transaksyon at pangkagipitang pangangailangan (emergency).

Mananatiling handa at nakatutok ang Ako Bicol Party-list sa pagbibigay ng suporta sa ating mga LGU at sa pangangailangan ng ating mga kababayan. Dahil sa Ako Bicol, Kabalikat Mo Sa Pag-unlad at Kaligtasan! 💙💛❤️

02/09/2026

BALANSE SA HUSTISYA AT PROTEKSYON PARA SA ATING KABATAAN

Mga kababayan, kailanman ay hindi natin layunin na basta na lamang parusahan ang ating mga kabataan. Ngunit sa harap ng mga kamakailang insidente ng karahasan—tulad ng nangyari sa Tacloban at Zamboanga—hindi natin pwedeng ipagkaila na nagbabago na ang panahon.

Isinusulong natin ang House Bill No. 10334 para ibaba ang Minimum Age of Criminal Responsibility (MACR) mula 15 patungong 12 taong gulang.

Layunin nitong tiyakin na may pananagutan sa batas ang mga minors na nakagagawa ng seryosong krimen nang may ganap na 'discernment' o buong pag-unawa sa kanilang ginagawa.

Ano ang ibig sabihin ng ating panukala?

Mananatiling Ligtas ang 12 Y/O Pababa: Ang mga batang edad 12 pababa ay mananatiling exempt sa criminal liability.

Pananagutan sa Seryosong Krimen: Para sa higit 12 taong gulang, maaari silang sumailalim sa legal proceedings para lamang sa mga seryosong krimen (tulad ng murder, kidnapping, o carnapping na may namatay)—basta't napatunayang may discernment.

Proteksyon at Rehabilitasyon: Hindi natin iniiwan ang prinsipyo ng restorative justice sa ilalim ng RA 9344. Mananatili ang mga safeguard tulad ng diversion programs, confidentiality of records, at ang patuloy na pagpapalakas ng ating mga Bahay Pag-asa.

Mga Mahahalagang Puntos na Dapat Nating Tandaan:

Epekto ng Social Media: Iba na ang henerasyon ngayon. Dahil sa gadget at online content, mas maagang namumulat at nakakakuha ng impormasyon ang kabataan. May ilan ding nagagamit ang kasalukuyang batas para takasan ang pananagutan dahil alam nilang protektado sila ng kanilang edad.

Disiplina sa Tahanan at Pananagutan ng Magulang: Bilang isang magulang, naniniwala ako na sa bahay nagsisimula ang disiplina. Dapat ding panagutin sa batas ang mga magulang o indibidwal na nagiging negligent at nagpapabaya sa mga baril na nagagamit ng mga bata sa krimen.

Ligtas na Paaralan: Katuwang ang ating mga lokal na pamahalaan, tulad ng inisyatibo sa Legazpi City sa paglalagay ng metal detectors, dapat nating paigtingin ang seguridad at active shooter drills sa mga eskwelahan.

Tugon sa Bullying: Nakikiramay at nauunawaan natin ang usapin ng bullying, ngunit hindi ito kailanman magiging dahilan para kumuha ng buhay ng kapwa.

Ang atin pong layunin sa HB 10334 ay ang pagbalanse—ang magkaroon ng katarungan para sa mga biktima at pananagutan para sa mga may sala, habang ginagabayan at nire-rehabilitate ang ating mga kabataan para sa kanilang magandang kinabukasan.

MALIGAYANG GENERAL SIMEON OLA DAY! 🇵🇭Ngayong Setyembre 2, ating ginugunita ang kabayanihan ni Heneral Simeon Ola, isang ...
02/09/2026

MALIGAYANG GENERAL SIMEON OLA DAY! 🇵🇭

Ngayong Setyembre 2, ating ginugunita ang kabayanihan ni Heneral Simeon Ola, isang dakilang Albayano na nagpakita ng tapang, katatagan, at walang sawang pagmamahal sa bayan.

Ang kanyang buhay ay paalala na ang tunay na paglilingkod ay nakaugat sa malasakit sa kapwa at sa paninindigan para sa kapakanan ng ating bayan.

Bilang mga Albayano, ipagpatuloy natin ang diwa ng kanyang kabayanihan—ang pagiging matatag, nagkakaisa, at handang maglingkod para sa mas maunlad at mas magandang kinabukasan ng ating lalawigan.

Sa araw na ito, sama-sama nating parangalan ang isang anak ng Albay na naging simbolo ng tapang at pagmamahal sa bayan.

Mabuhay ang alaala ni Heneral Simeon Ola!
Mabuhay ang mga Albayano! 🇵🇭

— Cong. Atty. Alfredo “Pido” Garbin, Jr.

ISANG MAKABULUHANG ARAW NG MGA BAYANI SA BAWAT PAMILYANG PILIPINO! 🇵🇭✨Sa araw na ito, hindi lamang natin ginugunita ang ...
31/08/2026

ISANG MAKABULUHANG ARAW NG MGA BAYANI SA BAWAT PAMILYANG PILIPINO! 🇵🇭✨

Sa araw na ito, hindi lamang natin ginugunita ang tapang at sakripisyo ng ating mga pambansang bayani na nagbigay sa atin ng kalayaan. Mas lalo nating pinaparangalan ang bawat Pilipinong patuloy na lumalaban para sa mas mabuting bukas. 🕊️

Ang tunay na kabayanihan ay makikita sa pang-araw-araw ninyong pagsusumikap:

Sa ating mga OFWs na tinitiis ang layo sa pamilya para magbigay ng magandang kinabukasan ✈️💼

Sa ating mga g**o, healthcare workers, mga manggagawa, at lingkod-bayan na buong-pusong naglilingkod sa kapwa 🩺📚👷‍♂️

At higit sa lahat, sa ating mga solo parents, mga ina, at mga breadwinners na araw-araw na nakikipaglaban sa hamon ng kahirapan maitaguyod lamang ang inyong mga mahal sa buhay 💪❤️

Kayo ang mga tunay na Modernong Bayani. Ang inyong tiyaga, malasakit, at sakripisyo ang nagtutulak sa ating lipunan para magpatuloy at umunlad. 🤲✨

Isang taos-pusong pagpupugay sa inyong lahat! Patuloy tayong magkaisa at magtulungan para sa mas masagana at maunlad na bukas. 🤝🏛️

Isang karangalan ang makadalo sa pagbubukas ng Pagsalingoy Exhibit (LGU Legazpi x Diocese of Legazpi) at makapagbigay-pu...
27/08/2026

Isang karangalan ang makadalo sa pagbubukas ng Pagsalingoy Exhibit (LGU Legazpi x Diocese of Legazpi) at makapagbigay-pugay kay Mamo Lilo Quiambao.

Bilang dating seminarista, nananatiling buhay ang pagpapahalaga ko sa malaking ambag ng Simbahan sa ating bayan.

Nice to see you again, Mamo! 🙏✨

25/08/2026

Isang malaking tagumpay para sa bawat pamilyang Camaligueño! 🎓✨

Pormal nang binuksan ang Camalig Community College (CComC)—isang pangarap na ating naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Ako Bicol Party-list at ng Lokal na Gobyerno ng Camalig sa pamumuno ni Mayor Caloy Baldo.

Sa pagbubukas ng CComC, mas inilapit pa natin ang libre at de-kalidad na pampublikong edukasyon sa ating mga kabataan. Hindi na kailangan pang lumayo ng ating mga mag-aaral para sa kanilang tertiary education!

Malaking karangalan din na simulan ito sa kursong Bachelor of Science in Construction Engineering, kung saan 120 na pioneer students na ang magsisimula ng kanilang journey tungo sa magandang kinabukasan.

Ang edukasyon ang pinakamagandang pamumuhunan natin para sa hinaharap. Sa tulong ng Local Government Support Fund (LGSF) at ng ating patuloy na inisyatibo sa Ako Bicol, hindi tayo titigil sa pagbibigay ng suporta sa Bicol Region upang matugunan ang usapin ng class shifting at iba pang pangangailangan sa ating sektor ng edukasyon.

Para sa mga katulad ni Hart Lomibao mula sa Barangay Anoling at sa lahat ng ating mga bagong iskolar at mag-aaral: patuloy tayong tutulong upang mas mapadali ang inyong pag-aaral at maabot ang inyong mga pangarap.

Sama-sama tayo sa pagbuo ng mas maliwanag na bukas para sa Camalig at sa buong Bicolandia! 💚

22/08/2026

DAPAT NANG TULDOKAN ANG SYSTEMS LOSS CHARGE AT VAT SA KURYENTE! ⚡❌

Hindi makatarungan na ang bawat pamilyang Pilipino at Bicolano ang pumapasan sa tinatawag na "Systems Loss" — o ang kuryenteng hindi naman nila naisumpit o ginamit! Mas lalo pang masakit sa bulsa na binubuwisan pa ito ng Value-Added Tax (VAT).

Nagbabayad ka na sa nawalang kuryente, binubuwisan ka pa sa hindi mo ginamit. San ba ang katarungan doon?

Ang malaking tanong ngayon: Kaya ba itong gawan ng paraan agad-agad?

Lalo’t isa ito sa mga pangunahing prayoridad na dapat maisakatuparan sa ilalim ng administrasyon ng ating Pangulo, naniniwala ako na kung may political will at seryosong aksyon sa Kongreso, kayang-kaya itong solusyunan!

Ating isusulong ang mga kinakailangang lehislasyon para matanggal ang dobleng pahirap na ito. Nararapat lamang na protektahan ang kapakanan ng bawat consumer laban sa mga hindi makatarungang singilin sa kuryente.

Ano ang saloobin niyo rito, mga kababayan? Ibahagi ang inyong pananaw sa comments below! 👇

Isang makabuluhang at magandang araw sa inyong lahat, mga kailian at kapwa ko Pilipino! 🇵🇭Ngayong Ninoy Aquino Day, sama...
21/08/2026

Isang makabuluhang at magandang araw sa inyong lahat, mga kailian at kapwa ko Pilipino! 🇵🇭

Ngayong Ninoy Aquino Day, sama-sama nating gunitain at bigyang-parangal ang buhay, tapang, at walang-sawang pagmamahal sa bayan ni Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

Ang kanyang sakripisyo at makasaysayang mga salita—"The Filipino is worth dying for"—ay patuloy na nagsisilbing liwanag sa ating paglalakbay bilang isang bansa. Ipinaalala niya sa atin na ang tunay na lakas ng demokrasya ay nasa pagkakaisa, pagmamalasakit, at patuloy na pagtatanggol sa kung ano ang tama at makatarungan.

Bilang inyong lingkod-bayan, nananatili ang ating commitment na magsilbi nang may katapatan, integridad, at buong puso para sa kapakanan ng bawat pamilya. Isang paalala rin ito na ang bawat isa sa atin ay may mahalagang papel sa pagbuo ng mas maliwanag at mas maunlad na bukas.
Manatili nawa sa ating mga puso ang pagmamahal sa Inang Bayan. Maraming salamat at mapagpalang Ninoy Aquino Day sa ating lahat!

Address

Legazpi City
Legazpi
4500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cong. Alfredo "Pido" Garbin, Jr. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category