10/05/2022
Sa inyo pong lahat na sa amin ay nagmahal at yumakap, maraming-maraming salamat po. Hanggang sa muli.
Nagsimula kaming mangarap kasama kayong lahat. Ang mundo nati’y uminog kasabay ang pag asang ang dakilang araw ay sisikat. Sa bawat araw na nagdaan, mga puso nati’y nag sanib. Sa bawat pintig nito, mistulang apoy na nag aalab na abutin ang ating mga pangarap, ang pangarap na magandang bukas.
Sa ngiti, lungkot at saya, nabuo ang samahang parang isang tunay na pamilya. Nag uumapaw ang ating mga damdamin at pagnanais na makamit ang tagumpay sa tuwing tayo’y magkakasama.
MyDaY Weekend Kapihan, pinasigla ang ating samahan ng isang pagsasama-sama sa isang umaga ng kumustahan, kwentuhan at talakayan ng isyung pang barangay “over a cup of coffee” with pandesal.
GANAP o Gawaing Nagtataguyod ng Pagbabago ang programang tumatak sa bawat puso na walang imposible kung tulong-tulong at sama-sama tungo sa pagbabago.
BOW o Botica-On-Wheels ang programang naghahatid ng tulong na napapanahon. Dahil dito umasa tayong lahat ay babangon.
The DIY Show o Danny Ikaw at Ynar ang nagpasaya, nagpalundag at pumuno ng ligaya sa bawat gabi na tayo’y magkakasama sa social media.
Meet & Greet kung saan nabuo ang YES o Young Enthusiasts Society, mga kabataang puno na magagandang pangarap para sa kanilang kinabukasan.
At sa lahat ng ibat-ibang gawaing nagpakita ng malasakit sa kapwa, napuno ang aming mga puso sa inyong buong suporta.
Sa lahat ng aming nakasama sa mga makabuluhang programang ito, hindi sapat ang salitang salamat. Tanggapin ninyong lahat ang aming mahigpit na yakap.
Hanggang sa muli.