31/08/2026
NATIONAL HEROES DAY 2026 ๐ต๐ญ
Sa araw na ito, ating inaalala hindi lamang ang mga pangalan na nakaukit sa ating mga aklat ng kasaysayan, kundi ang diwang makabayan na kanilang iniwan sa puso ng bawat Pilipino.
Ang tunay na kabayanihan ay hindi nasusukat sa laki ng pangalan o taas ng katungkulan. Ito ay nasusukat sa lakas ng loob na manindigan para sa tama, sa tapang na ipaglaban ang bayan at sa kahandaang maglingkod nang walang hinihintay na kapalit.
Kaisa po ang inyong lingkod sa pagdiriwang ng National Heroes Day 2026 at bilang inyo pong Vice Mayor, isusulong natin ang isang pamahalaang matino, mahusay at may puso. Isang paglilingkod na may integridad at tunay na malasakit sa bawat Lemereรฑo. ๐ต๐ญ