01/11/2023
Mapagpala, ligtas at magandang araw po sa ating lahat.
FREE EYE SCREENING AND CATARACT OPERATION 👀
November 5, 2023 - 1:00PM
Sinimulan po natin noong ika-6 ng Marso, 2022 hanggang sa kasalukuyan ay tuluy-tuloy po ang ating Free Eye Screening and Cataract Operation para sa mga kababayan nating Lemereño na handog po ng inyong abang lingkod, Vice Mayor Geraldine Ornales kasama ang Vice Mayor's League of the Philippines Batangas Chapter sa pangunguna po ni VMLP Batangas Chapter President, Vice Mayor Jay Manalo Ilagan ng bayan ng Mataas na Kahoy at ang napakabait at busilak ang puso na si Dr. Rey Ramos.
Para po sa mga kababayan natin na nais po magpatingin o checkup ng mata at cataract operation ng libre, Maaari po kayo pumunta sa November 5, 2023 ganap na 1:00 ng hapon sa Sangguniang Bayan Building sa Pamahalaang Bayan ng Lemery, Batangas.
Para po sa mga naoperahan na sa mata na nais po magpatingin o magpa check-up ng mata ay magpunta lamang po sa nasabing schedule.
Taos pusong pasasalamat po sa may mabuting puso na si Dr. Rey Ramos at sa Vice Mayors' League of the Philippines Batangas Chapter sa pangunguna po ni Vice Mayor Jay Manalo Ilagan, VMLP Batangas Chapter President upang maisakatuparan at patuloy pa po na isinasaganap ang libreng pagpapatingin at operasyon sa mata. Nawa po ay patuloy po kayo maging kaagapay ng aming mga kababayan.
Nawa po ang pagpapala at proteksyon ng ating Poong Maykapal ay patuloy na SUMAATIN. Maraming salamat po!