05/11/2024
Magandang araw po sa lahat
Nais lamang po ng pamunuan ng Humayingan na ipagbigay alam sa lahat na hindi naman po
nagpapabaya ang pamunuan na tugunan ang suliranin ng ating barangay ang problema sa langaw, ganun din po ang pamunuan ng poultry na kaagad po ay gumawa ng pamamaraan at aksyon sa nasabing problema kaagad po na ngspray sa mga bahayan upang maibsan problema natin sa langaw..
Tayo din po ay nasa panahon pa rin ng tag ulan kung kayat dagdag po ito kung bakit sadyang Kay dami lagi ng ating bisitang langaw, kayat panitilihin po natin ang kalinisan sa ating bahay at ganun din po makiisa po tayo sa lingguhan na kalinisang pambarangay para po sa kaligtasan ng ating pamilya at kaayusan ng ating barangay..
Magandang araw pong muli at maraming salamat po sa Inyong malawak na pang unawa,