Unlad Lumaniag

Unlad Lumaniag U - nahin
N - atin
L - agi
A - ng
D - iyos
Lumaniag

06/04/2026

NAGVI-VIDEOKE LAGPAS 10PM, HUHULIHIN?!

Ayon sa ulat ni Jun Veneracion sa Balitanghali, paiigtingin ng DILG ang Safer Cities Plan, isang kampanya laban sa mga inuman sa kalye, nagvi-videoke at mga pagala-galang kabataan sa gabi.

Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, pasensyahan na lang daw dahil manghuhuli na sila kapag may nakitang nag-iinuman sa kalye, nagvi-videoke lagpas 10PM at kapag mayroong menor de edad na pakalat-kalat ng lagpas 10PM.

Ang mga mahuhuli raw ay iimbestigahan at ang parusa ay depende raw sa ordinansa ng mga lokal na pamahalaan.

Uunahin ang Metro Manila sa pagpapaigitng ng Safer Cities Plan at saka isusunod ang iba pang urban areas, ayon kay Remulla.

Ano ang opinyon mo sa usapin na ito?

06/04/2026
06/04/2026

Sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East, nagdeklara ang Malacañang ng State of National Energy Emergency upang maagapan ang posibleng kakulangan sa supply ng langis at enerhiya sa bansa.

Ang mga dokumento sa larawan ay tumutukoy sa dalawang mahalagang kautusan ng pamahalaan:

• Executive Order No. 110 (mula sa Malacañang)
• DILG Memorandum Circular No. 2026-023

Layunin nitong tugunan ang posibleng krisis sa supply ng enerhiya (lalo na langis) dahil sa lumalalang tensyon sa Middle East.

BAKIT MAY ENERGY EMERGENCY?

Pangunahing Dahilan:
• May lumalalang sigalot sa Middle East (kabilang ang US, Israel, at Iran)
• Nanganganib ang suplay ng langis sa buong mundo
• Posibleng pagsasara ng Strait of Hormuz - pangunahing daanan ng oil shipments

Nagdudulot ito ng:
• Pagtaas ng presyo ng langis
• Kakulangan sa supply
• Pagbagal ng supply chain

Epekto sa Pilipinas:
• Umaasa ang bansa sa angkat na langis
• Kapag naapektuhan ang global supply:
- Tataas ang presyo ng gasolina at diesel
- Maaapektuhan ang transportasyon, pagkain, at industriya
• Posibleng magkaroon ng kakulangan sa enerhiya

ANO ANG IDINEKLARA NG PAMAHALAAN?

• State of National Energy Emergency

Ibig sabihin:
• may seryosong banta sa supply ng enerhiya
• Pinapayagan ang gobyerno na:
- Magpatupad ng fuel allocation
- Magpatupad ng energy conservation measures
- I-prioritize ang paggamit ng enerhiya sa mahahalagang sektor

ANO ANG GAGAWIN NG MGA LGU?

Sa ilalim ng DILG Memorandum Circular, hinihikayat ang lahat ng LGUs na magpatupad ng energy conservation protocols.

Mga Dapat Gawin:
1. Palakasin ang Energy Management
• Ipatupad ang Government Energy Management Program (GEMP)
2. Tipid Kuryente sa mga Opisina
• Itakda sa 24°C ang aircon
• I-activate ang sleep mode ng computers

Patayin ang:
• Ilaw
• Kagamitan kapag hindi ginagamit
• Lalo na tuwing lunch break at pagkatapos ng opisina

3. Gamitin ang Virtual Meetings
• Online meetings muna hangga’t maaari
• Physical meetings lamang kung:
- Kailangan sa batas
- Kritikal sa operasyon

ANO ANG DAPAT MALAMAN NG PUBLIKO?
• Posibleng tumaas ang presyo ng langis at bilihin
• Inaasahan ang pagtitipid sa kuryente at enerhiya
• Maaaring magkaroon ng adjustments sa serbisyo at operasyon ng gobyerno

Ang mga hakbang na ito ay para:
• maiwasan ang mas malalang krisis
• masigurong may sapat na supply ng enerhiya

PAALALA SA MAMAMAYAN
Sa panahon ng ganitong sitwasyon, mahalaga ang pakikiisa:
• Magtipid sa kuryente sa bahay
• Iwasan ang aksayang paggamit ng gasolina
• Suportahan ang mga hakbang ng pamahalaan

Ang pamahalaan ay kumikilos na upang harapin ang banta ng kakulangan sa enerhiya dulot ng pandaigdigang krisis.

Sa pamamagitan ng energy conservation at maagang paghahanda, layunin nitong maprotektahan ang ekonomiya at kapakanan ng bawat Pilipino.

06/04/2026

Noong panahong wala pang mga poso at patubig, dito kumukuha ang halos lahat ng taga barangay Lumaniag.Marami pang mga kw...
26/02/2026

Noong panahong wala pang mga poso at patubig, dito kumukuha ang halos lahat ng taga barangay Lumaniag.
Marami pang mga kwentong kababalaghan at mga pag-iingat bago sumalok ng tubig sa balong dito.
Ang salitang "tabi po" ay kailangang banggitin kung ikaw ay lalapit dito o sasalok ng tubig.
At may mga iilang tao lang na may mga anting ang pwedeng makapaglimas ng natirang tubig nito, dahil sa mga kwentong may mga nag-aalagang mga engkanto na nagbabantay dito.

Ikaw? Meron ka bang ibang karanasan sa balong ito? I-share mo naman samin.

05/02/2026

"BARANGAY LUMANIAG"
Lyrics: Jhonna Mae Jonson / Julius Jonson Music by Ai

Sa aming Barangay Lumaniag
na tahimik at payapa,
Nandoon ang dagat,
kulay asul at maligaya,
Mga along sumasayaw,
sa baybayin ay ginto
Sadyang makahulugan ang bawat hampas nito.

Ang mga tao’y may ngiting tunay at wagas,
Maluwag na pagtanggap may alay ng lakas.
Kapwa ay tinuturing na parang pamilya,
Mga tahanang puno ng galak at sigla.
Ang hangin ay sariwa, kalmadong dumadampi,
Kapayapaan ay namumutawi
Sa gabi’y payapa, wala kang pangamba,
Mga ilaw na tanglaw, ditoy ligtas ka.
Kahit marami ng nagbago, sa paglipas ng panahon,
May mga bagay na ngayon ay iba na sa kahapon.
Ang dating payak na daan, ngayon ay sementado,
Mga bahay kubo, ngayoy yari na sa konkreto.
Subalit, marami mang nagbago at dumating
Ang likas na ganda nito ay di pa rin kayang limutin.

Ang aming Barangay Lumaniag, sa kabila ng pag-usbong,
Ang puso't diwa'y nanatiling nakakanlong.
Dalang lilim ng mga puno, , sa matataas na bundok,
Sariwang hangin sa tabing dagat ay patok
Madarama mo ang yakap ng kalikasan
Ang halik ng araw at malamig na amihan.
Ang mga bata’y tumatakbo, doon sa pampang
Masayang humihiyaw, naglalaro ng habulan
Sa simpleng pamumuhay, dulot ay kasiyahan,
At bawat halakhak, puno ng kagalakan. .

Oo may pagbabago sa paligid ng kaunti,
May mga sasakyan na, dina hirap umuwi ,
Subalit ang simbolo ay hindi naglaho,
Pagmamahal sa sarili,, sa diyos at kapwa tao.
Ang bawat bisita, dito na-aaliw
Sa bawat sulok, sila ay giliw na giliw
Kaya't kahit lumipas pa ang mga oras, at mga taon
Pag-usbong at nakaraan ay nag-iiwan ng bakas.
Sa harap ng pagbabago, ganda nito'y napili
Dayuhan at bisita ditoy nais manatili
Matitikas, mabibini at lugar na maganda
Tara sa Barangay Lumaniag, Halika na!

05/02/2026

Narito ang Ordinansa Bilang RSL-77, Series of 2024 o ang bagong Revenue Code ng Bayan ng Lian, Batangas.

Alam ba ninyo na ang huling update ng ating revenue code ay noong 1991 pa? Sa tagal ng panahon, marami na ang nagbago—mula sa ating ekonomiya hanggang sa mga pangangailangan ng ating bayan. Kaya't napapanahon na ang pagreporma at pag-update nito.

Ang New Revenue Code of Lian 2024 ay ginawa upang gawing mas maayos at patas ang sistema ng buwis at bayarin sa ating bayan. Ang dagdag na kita mula rito ay gagamitin para suportahan ang mga proyekto, imprastruktura, at iba pang programa na magpapabuti sa buhay ng bawat isa sa atin. Mahalaga rin ito upang mapanatili ang ating status bilang isang first-class municipality.

Ang layunin ng bagong revenue code na ito ay hindi lamang mangolekta ng buwis kundi tiyaking ang bawat singilin ay makatutulong para sa mas maunlad, mas maayos, at mas progresibong Lian. Basahin ang buong detalye para sa inyong kaalaman at tulong sa ating bayan!

I-click ang link para mabasa ang New Revenue Code of Lian 2024 👇

https://tinyurl.com/MunicipalityOfLian

05/02/2026

ANNOUNCEMENT | Putingkahoy Bridge Update
As of 11:30 AM, February 5, 2026

Ipinapaalam sa publiko na ganap nang natapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang girder launching works sa Putingkahoy Bridge, Brgy. Putingkahoy, Lian, Batangas bandang 11:30 ng umaga ngayong February 5, 2026.

Dahil dito, ang kalsada sa may Putingkahoy Bridge ay bukas na at ganap nang madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan, kabilang ang mga light at heavy vehicles.

Kaugnay nito, kinakansela na rin ang nakatakdang road closure sa February 6, 2026, sapagkat tapos na ang kinakailangang trabaho ng DPWH sa nasabing tulay.

Lubos na nagpapasalamat ang DPWH at ang Pamahalaang Bayan ng Lian sa patuloy na pakikiisa, pasensya, at kooperasyon ng mga mamamayan ng Lian sa panahon ng pagsasagawa ng proyektong ito. Malaki rin ang pasasalamat sa lahat ng ahensya at personnel na naging bahagi ng maayos at ligtas na implementasyon ng gawain.

Address

Lumaniag
Lian

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Unlad Lumaniag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share