28/08/2026
MALILIIT NA GAWAIN, MALALAKING EPEKTO.
Ngayong 2026, patuloy nating pinipiling maging bahagi ng pagbabago—hindi lamang sa salita, kundi sa gawa. Sa bawat simpleng programa at aktibidad, layunin nating makapagbigay ng tulong, saya, at pag-asa sa ating mga kababayan.
Narito ang ilan sa programa at actvities na nasaikatuparan natin ng magkakasama sa pamumuno ni SK Chairperson Lloyd Ramirez kasama ang kaniyang SK Members, Treasurer and Secretary.
PROJECT KAPOTE – Pagbibigay ng raincoat upang makatulong at maprotektahan ang ating mga kababayan sa panahon ng ulan. (JULY 26, 2026)
“LIBRENG GUPIT PARA MALUPET” – Dahil ang simpleng gupit ay maaaring magbigay ng bagong kumpiyansa, bagong ngiti, at bagong simula. (JUNE 7, 2026)
BRIGADA ESKWELA – SK PARTICIPATION – Pakikiisa sa paghahanda ng ating mga paaralan para sa isang mas maayos, ligtas, at mas masiglang pagbabalik-eskwela. (MAY 2026)
Sa bawat kapote na naipamigay, buhok na naayos, paaralang natulungan, at ngiting nabuo, pinatutunayan natin na hindi kailangang maging malaki ang isang bagay para magkaroon ito ng malaking epekto.
Dahil ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa laki ng proyekto, kundi sa laki ng malasakit.
Patuloy tayong KUMILOS, MAGLINGKOD, AT MAGBIGAY-INSPIRASYON.
Para sa kabataan. Para sa komunidad. Para sa kinabukasan.