05/06/2026
📞🚔 ISANG TAWAG MO, MAHALAGA SA PAGLABAN SA KRIMEN! 🚔📞
Ang mabilis na pag-uulat ng mga krimen at kahina-hinalang aktibidad ay mahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating komunidad. Sa pamamagitan ng tamang impormasyon mula sa mamamayan, mas napapabilis ang pagtugon ng kapulisan, paglutas ng mga kaso, at pagdakip sa mga suspek.
🛡️ Huwag matakot na magsumbong.
📢 Huwag manahimik kung may nalalaman.
🤝 Makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
I-save ang hotline number ng inyong pinakamalapit na himpilan ng pulisya at gamitin ito kung kinakailangan. Ang iyong ulat ay maaaring makatulong upang maiwasan ang krimen at makapagligtas ng buhay.
Makialam. Makipagtulungan. Mag-ulat.
Sama-sama nating gawing mas ligtas ang Camarines Sur.
PNP Kasurog Bicol
Philippine National Police