12/06/2026
๐ต๐ญ IKA-128 ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINAS ๐ต๐ญ
Ngayong ika-12 ng Hunyo 2026, buong dangal na nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Libmanan sa paggunita sa Ika-128 Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas.
Sa makasaysayang araw na ito, ating pinupugayan ang kagitingan, katatagan, at walang pag-iimbot na pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani na nagbuwis ng buhay upang makamtan ang kalayaang ating tinatamasa ngayon.
Nawa'y magsilbing tanglaw ang kanilang mga sakripisyo upang patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pananagutan sa ating kapwa at sa ating bayan. Sa ating sama-samang pagkilos, maitataguyod natin ang isang Libmanan at isang Pilipinas na higit na maunlad, matatag, at makatarungan para sa kasalukuyan at sa mga susunod na salinlahi.
Sa pag-alala sa ating kasaysayan, pinagtitibay natin ang ating pagkakakilanlan bilang isang malaya at nagkakaisang sambayanan.
Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.
Pagpupugay sa ating mga bayani.
Mabuhay ang Bayan ng Libmanan!
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!
Mabuhay ang Pilipinas! ๐ต๐ญ