RVAlbay Magallang ES

Directions

RVAlbay Magallang ES Together we STAND. Divided we FALL

Buong pusong binabati ng Mababang Paaralan ng Magallang si Zarah A. Roncesvalles sa pagkamit ng Unang Gantimpala sa Pags...
23/08/2026

Buong pusong binabati ng Mababang Paaralan ng Magallang si Zarah A. Roncesvalles sa pagkamit ng Unang Gantimpala sa Pagsulat ng Balita sa katatapos lamang na Cluster C Press Conference na ginanap sa Pioduran, Albay, Agosto 22, 2026.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng kanyang sipag, tiyaga, at husay sa larangan ng pamamahayag. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa walang sawang suporta at paggabay ni Punong-g**o Maria Niña Perez-banda , sa teknikal na suporta at tulong ni Mark Jay R. Lumibao , gayundin sa mga g**o ng MES, kanyang mga magulang na naging bahagi ng kanyang tagumpay, at sa nagsilbing tagahatid- sundo, G. Randy Banda.

Muli, pagbati sa iyong panalo, Zarah! Ipagpatuloy ang husay at galing sa pagsusulat! Ipinagmamalaki ka ng buong Mababang Paaralan ng Magallang!

SPA- Karmina Jean Buere

Malugod na binabati ng Mababang Paaralan ng Magallang ang ating mga mamamahayag/ manunulat ng Galyang sa kanilang matagu...
08/08/2026

Malugod na binabati ng Mababang Paaralan ng Magallang ang ating mga mamamahayag/ manunulat ng Galyang sa kanilang matagumpay na paglahok sa katatapos lamang na 2026 District Press Conference na ginanap sa Libon East Central School na may temang, “Media for Inclusion: Promoting Diversity, Equity and Integrity Through Campus Journalism.”

Isang taos-pusong pagbati sa mga sumusunod na mag-aaral:
🏅 Zarah A. Roncesvalles– Ikalimang Puwesto sa Pagsulat ng Balita
🏅 Ace Jayrus C. Sembrano – Ikasiyam na Puwesto sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita
🏅 Niel Francis A. Madrenian– Ikasampung Puwesto sa Sports Writing
👏 Jamaica C. Sembrano– Pagsulat ng Balitang Isports
👏 Zyra A. Roncesvalles– Pagguhit ng Kartung Pang-Editoryal
👏 Vince Darren M. Roy – Editorial Cartooning

Ipinakita ninyo ang husay, talino, at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag. Kayo ay inspirasyon sa buong komunidad ng paaralan!

Maraming salamat sa gabay at suporta ng aming Punong G**o, Maria Niña Perez-banda, tagapagsanay, Mark Jay R. Lumibao, mga g**o, mga magulang at mag- aaral ng Magallang ES DepEd

SPA English- Shirly Emma Osila
SPA Filipino- Karmina Jean Buere


Isinagawa ng Mababang Paaralan ng Magallang ang Seremonya ng Pagtataas ng Watawat bilang simbolikong pagbubukas ng pagdi...
03/08/2026

Isinagawa ng Mababang Paaralan ng Magallang ang Seremonya ng Pagtataas ng Watawat bilang simbolikong pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 na may temang, "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."

Dumalo at nakiisa ang mga g**o at mag-aaral sa makabuluhang seremonyang ito bilang pagpapakita ng pagmamahal sa ating pambansang wika at pagkilala sa mahalagang papel ng makabagong teknolohiya sa pagpapalawak ng kaalaman at pananaliksik.

Ang gawaing ito ay isinagawa alinsunod sa Memorandum Pansangay Blg. 337, s. 2026.

Sama-sama nating ipagdiwang ang kagandahan ng wikang Filipino at gamitin ito bilang tulay tungo sa mas malawak na kaalaman at makabagong pagkatuto.

Isinagawa ng Mababang Paaralan ng Magallang ang matagumpay na Halalan ng mga Opisyal ng SPTA, kasunod ang kanilang Panun...
29/07/2026

Isinagawa ng Mababang Paaralan ng Magallang ang matagumpay na Halalan ng mga Opisyal ng SPTA, kasunod ang kanilang Panunumpa sa Tungkulin, at ang kauna-unahang Pangkalahatang Pagpupulong ng SPTA para sa Taong Panuruan 2026–2027 noong Hulyo 21, 2026.

Ipinakikilala ang mga bagong halal na opisyal:
Pangulo – Madelyn A. Arevalo
Pangalawang Pangulo – Janice O. Amparado
Kalihim – Michelle L. Buela
Ingat-Yaman – Proclyn R. Tapalla
Tagasuri – Liza A. Roncesvalles
PIO – Babylyn S. Advincula
Mga Business Manager – Vanessa R. Luste at Jovelyn M. Roy

Taos-pusong pagbati sa inyong pagkakahalal! Nawa’y magsilbi kayong gabay sa patuloy na pagtutulungan ng paaralan at mga magulang para sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat din sa lahat ng mga magulang at g**o na dumalo at aktibong nakibahagi sa unang pulong. Sama-sama nating itaguyod ang isang mas matatag at makabuluhang samahan para sa kinabukasan ng ating mga anak.

Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026Nakibahagi ang Mababang Paaralan ng Magallang sa isinagawang Nationw...
19/06/2026

Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026

Nakibahagi ang Mababang Paaralan ng Magallang sa isinagawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED), Hunyo 18, 2026, bilang bahagi ng patuloy na paghahanda at pagpapalakas ng kamalayan sa tamang pagtugon sa oras ng lindol.

Sa aktibidad na ito, aktibong nakiisa ang mga mag-aaral, g**o, at mga magulang sa pagsasagawa ng mga wastong hakbang sa paglikas at pagprotekta sa sarili sa panahon ng sakuna. Layunin ng drill na mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng bawat isa upang matiyak ang kaligtasan ng buong komunidad ng paaralan sa oras ng anumang sakuna.

Patuloy nating isabuhay ang kahandaan, pag-iingat, at pagkakaisa para sa isang ligtas at matatag na paaralan.

Maligayang Kaarawan, Sir Rico S. Portem! 🎉🎂Ang inyong dedikasyon at malasakit bilang Public Schools District Supervisor ...
09/06/2026

Maligayang Kaarawan, Sir Rico S. Portem! 🎉🎂

Ang inyong dedikasyon at malasakit bilang Public Schools District Supervisor ng Libon East District ay tunay na nagbibigay-inspirasyon sa amin. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at sa walang sawang pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral. Ang inyong pamumuno ay patuloy na nagdudulot ng makabuluhang pagbabago sa aming mga paaralan at komunidad.

Nawa’y pagpalain pa kayo ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at higit pang tagumpay sa inyong patuloy na paglilingkod. Pagpalain po kayo ng Diyos!

𝗠𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗨𝗺𝗶𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗹𝗶𝗱-𝗔𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻!Sa unang araw ng pasukan, muling nabuhay ang sigla ng Mababang Paaralan ng Magallang. Ba...
08/06/2026

𝗠𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗨𝗺𝗶𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗹𝗶𝗱-𝗔𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻!

Sa unang araw ng pasukan, muling nabuhay ang sigla ng Mababang Paaralan ng Magallang. Bawat hakbang papasok sa paaralan ay hakbang din tungo sa mga bagong kaalaman, pagkakaibigan, at tagumpay na sama-sama nating bubuuin.

Maligayang pagbabalik, mga mag-aaral! Nawa’y maging makulay, makabuluhan, at puno ng inspirasyon ang ating paglalakbay sa Taong Panuruan 2026–2027.

Maraming salamat sa mga magulang, g**o, at iba pang katuwang sa edukasyon na nakiisa upang maging maayos, ligtas, at makabuluhan ang pagbubukas ng klase. Nawa'y maging masaya, produktibo, at matagumpay ang taong panuruan 2026–2027.


Tagumpay ng Brigada Eskuwela 2026: Sama-samang Pagkilos para sa EdukasyonMatagumpay na naidaos ang limang araw na Brigad...
05/06/2026

Tagumpay ng Brigada Eskuwela 2026: Sama-samang Pagkilos para sa Edukasyon

Matagumpay na naidaos ang limang araw na Brigada Eskuwela 2026 sa Mababang Paaralan ng Magallang sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, pagtutulungan, at malasakit ng buong komunidad para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Buong puso pong nagpapasalamat ang paaralan sa mga masisipag na opisyal ng SPTA, mga magulang, mga g**o, Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Magallang, mga pampubliko at pribadong organisasyon, mga pribadong indibidwal, Batch 2014 at iba pang mga katuwang at tagapagtaguyod ng edukasyon na naglaan ng kanilang oras, lakas, serbisyo, at mga donasyon. Ang inyong mahalagang ambag ay naging daan upang maging mas ligtas, mas maayos, at higit na kaaya-aya ang ating paaralan para sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027.

Ang tagumpay ng Brigada Eskuwela ay patunay na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas napagtitibay natin ang ating layunin na makapagbigay ng de-kalidad at makabuluhang edukasyon para sa bawat bata.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa. Tunay na ang edukasyon ay pananagutan ng buong pamayanan.



𝐁𝐑𝐈𝐆𝐀𝐃𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐔𝐖𝐄𝐋𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔- Day 4Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Mababang Paaralan ng Magallang sa lahat ng mga ma...
04/06/2026

𝐁𝐑𝐈𝐆𝐀𝐃𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐔𝐖𝐄𝐋𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔- Day 4

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Mababang Paaralan ng Magallang sa lahat ng mga magulang na naglaan ng kanilang oras, lakas, at pakikiisa sa mga gawaing kaugnay ng Brigada Eskuwela 2026. Ang inyong aktibong pakikilahok ay patunay ng ating sama-samang hangarin na maihanda ang paaralan sa ligtas, maayos, at kaaya-ayang pagbubukas ng klase.

Lubos din naming pinasasalamatan ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP)- Libon, FO1 CYRUS H. TATARO & FO2 FERNANDO P. PARCIA JR., sa isinagawang inspeksyon sa paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at iba pang miyembro ng komunidad ng paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng taong panuruan.

Ang inyong suporta at pakikipagtulungan ay mahalagang bahagi ng pagtataguyod ng isang ligtas at de-kalidad na kapaligirang pampagkatuto para sa ating mga mag-aaral.



𝗣𝗔𝗦𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗨𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗘𝗦KU𝗪𝗘𝗟𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲Ang Mababang Paaralan ng Magallang  ay lubos na  nagpapasalama...
03/06/2026

𝗣𝗔𝗦𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗨𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗘𝗦KU𝗪𝗘𝗟𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲

Ang Mababang Paaralan ng Magallang ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga indibidwal at grupong naglaan ng kanilang oras, lakas, at serbisyo upang maging matagumpay ang Brigada Eskuwela 2026.

Lubos naming pinahahalagahan ang mahalagang suporta at aktibong pakikilahok ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Magallang sa pangunguna ni Hon. BERNARD S. CEDO, MRDIGBI MIGHTY RED DRAGON MAGALLANG CHAPTER, LHYNMAY SIALMOY, gayundin ang ating mga katuwang mula sa komunidad at iba pang sektor at mga magulang na buong pusong nakiisa sa iba't ibang gawaing pangpaaralan.

Ang inyong mga kontribusyon, maging sa anyo ng mga materyales, serbisyong boluntaryo, at iba pang tulong, ay patunay ng inyong malasakit at dedikasyon sa kapakanan ng ating mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos, mas napagtitibay natin ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikipagtulungan. Nawa'y manatiling matatag ang ating pagkakaisa para sa ikauunlad ng edukasyon at kinabukasan ng ating mga kabataan.



Address

MAGALLANG
Libon
4507

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RVAlbay Magallang ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share