14/09/2026
BARANGAY CLEAN-UP DRIVE
📅 Setyembre 17, 2026
Dahil sa tumataas na pangamba kaugnay ng mga kaso ng dengue, magsasagawa ang Barangay ng Community Clean-Up Drive sa Setyembre 17, 2026 bilang hakbang upang maiwasan ang pagdami ng lamok at mapuksa ang mga posibleng pamugaran nito.
Inaanyayahan ang lahat ng residente, bawat sambahayan, mga boluntaryo, at mga lokal na organisasyon na makiisa at aktibong lumahok sa gawaing ito.
🏠INAASAHANG MAKIKILAHOK ANG LAHAT NG SAMBAHAYAN.
Ang bawat pamilya ay hinihikayat na linisin ang kanilang sariling bahay, bakuran, kanal, at mga paligid nito. Tiyaking walang naiiwang tubig sa mga lalagyan, gulong, bote, lata, at iba pang maaaring pamugaran ng lamok.
Hinihikayat din ang bawat sambahayan na magpadala ng hindi bababa sa isang kinatawan upang makiisa sa paglilinis ng mga pampublikong lugar at iba pang bahagi ng barangay.
📌 Magdala ng sariling kagamitan sa paglilinis at makiisa nang buong puso sa gawaing ito.
Ang pagpapanatili ng kalinisan ay nagsisimula sa bawat tahanan at nagiging mas epektibo sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.
Magtulungan tayo para sa isang malinis, ligtas, at mas malusog na Barangay. Sama-sama nating labanan ang dengue!