27/08/2026
NARATIBO NG PAGGAWAD NG PARANGAL SA MGA NAGWAGI SA BUWAN NG WIKA 2026
Matagumpay na isinagawa ang paggawad ng parangal sa mga mag-aaral na nagwagi sa iba't ibang patimpalak kaugnay ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, na ginanap pagkatapos ng Flag Ceremony ngayong umaga.
Sa temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay ng Yaman ng Impormasyon,โ itinampok sa taong ito ang kahalagahan ng Wikang Filipino bilang buhay at makabagong wika na kaisa sa pag-unlad ng teknolohiya. Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa ang mga pansilid na gawain pagkatapos ng klase upang matiyak na hindi naaantala ang regular na daloy ng pagkatuto, ngunit naipadama pa rin ang diwa at kahalagahan ng pagdiriwang.
Kabilang sa mga isinagawang gawain ang Pakikinig at Sabay-sabay na Pagbasa ng Kwento at Pagsagot sa Tanong, Likhawento, Pagbasa ng Sanaysay gamit ang mas mataas na antas ng pag-iisip (HOTS), at Tahirawan, na nilahukan ng mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Ika-apat na Baitang sa pangunguna ng kanilang mga masisipag na g**ong tagapangasiwa.
Ang paggawad ng parangal ngayong umaga ay hindi lamang pagkilala sa kanilang husay, talino, at pagkamalikhain, kundi isang pagpupugay sa kanilang pagmamahal at pagpapahalaga sa Wikang Filipino. Bawat ngiti at bawat sertipikong tinanggap ay patunay na buhay na buhay ang ating wika sa puso ng bawat batang Pilipino.
Lubos ang pasasalamat sa lahat ng g**o, mag-aaral, at magulang na nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa nating pahalagahan at gamitin ang Wikang Filipino bilang susi sa mas malawak na kaalaman at matatag na pagkakakilanlan bilang Pilipino.
Pagbati at pagpupugay sa lahat ng nagwagi at lumahok! Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Pilipinas! ๐ต๐ญโจ