49th Infantry "Good Samaritans" Battalion

49th Infantry "Good Samaritans" Battalion “In every battle we show strength, in every community we show care, living the spirit of the Good Samaritan.”
(3)

21/08/2026
Tignan|| Nakikiisa ang kasundaluhan ng 49th Infantry “Good Samaritans” Battalion, sa isinagawang Simultaneous Blood Dona...
18/08/2026

Tignan|| Nakikiisa ang kasundaluhan ng 49th Infantry “Good Samaritans” Battalion, sa isinagawang Simultaneous Blood Donation Activity bilang bahagi ng paggunita sa 43rd Founding Anniversary ng Reserve Command, Philippine Army.

Isinagawa ang bloodletting activity nitong ika-15 ng Agosto 2026 sa Bicol College Gymnasium, Bicol College High School, Daraga, Albay, sa pangunguna ng 5th Regional Community Defense Group, Reserve Command, Philippine Army, sa pamamagitan ng 504th (Albay) Community Defense Center.

Sa boluntaryong pag-aalay ng dugo, naipapakita ng kasundaluhan ang tunay na diwa ng pagkakaisa, malasakit, at kahandaang tumulong. Bawat patak ng dugong iniaalay ay isang munting sakripisyong maaaring maging malaking pag-asa at makapagligtas ng buhay. Sa simpleng paraan, naipapakita na ang tunay na paglilingkod ay hindi lamang sa tungkulin, kundi sa malasakit sa kapwa.






17/08/2026

"PROVINCIAL LEVEL SECURITY FORUM 2026 ISINAGAWA SA LEGAZPI CITY, ALBAY"









Basahin|| Bilang bahagi ng patuloy na pagpapakita ng malasakit at pakikiisa sa komunidad, matagumpay na nagsagawa ng Fee...
17/08/2026

Basahin|| Bilang bahagi ng patuloy na pagpapakita ng malasakit at pakikiisa sa komunidad, matagumpay na nagsagawa ng Feeding Program ang mga kasundalohan ng 49th Infantry “Good Samaritans” Battalion, katuwang ang mga butihing g**o ng Child Development Center, sa Barangay Palapas, Ligao City, Albay, nito lamang ika-13 ng Agosto 2026.

Layunin ng nasabing aktibidad na makatulong sa pagpapanatili ng kalusugan at wastong nutrisyon ng mga kabataan, gayundin ang pagbibigay ng saya at inspirasyon sa mga batang patuloy na nagsusumikap sa kanilang pag-aaral. Humigit-kumulang 42 mag-aaral ng Palapas Child Development Center ang nakibahagi at nakinabang sa isinagawang feeding activity.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng kasundalohan at mga g**o, naipamalas ang tunay na diwa ng Bayanihan at malasakit sa kabataan. Higit pa sa simpleng pagbibigay ng pagkain, ang aktibidad ay nagsilbing paraan upang maipadama sa mga mag-aaral na sila ay mahalaga, sinusuportahan, at may mga taong handang tumulong para sa kanilang mas maliwanag na kinabukasan.

Patuloy na isusulong ng 49IB ang mga programang naglalayong mapalakas ang ugnayan sa komunidad at makapaghatid ng makabuluhang serbisyo, lalo na sa mga kabataan—sapagkat ang malasakit ngayon ay pundasyon ng mas malusog, mas matatag, at mas magandang kinabukasan.








𝐏𝐌𝐀 𝐄𝐧𝐭𝐫𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐄𝐱𝐚𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐏𝐌𝐀𝐄𝐄) 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐚𝐭 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞, 𝐏𝐢𝐥𝐢, 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐒...
16/08/2026

𝐏𝐌𝐀 𝐄𝐧𝐭𝐫𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐄𝐱𝐚𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐏𝐌𝐀𝐄𝐄) 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐚𝐭 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞, 𝐏𝐢𝐥𝐢, 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐒𝐮𝐫 𝐨𝐧 𝟐𝟐 𝐭𝐨 𝟐𝟑 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟔.







16/08/2026
15/08/2026

𝐍𝐚𝐛𝐮𝐚, 𝐂𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞𝐬 𝐒𝐮𝐫 𝐢𝐝𝐢𝐧𝐞𝐤𝐥𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐥 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐞𝐜𝐮𝐫𝐢𝐭𝐲 (𝐒𝐈𝐏𝐒) 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬 𝐧𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚-𝟏𝟎 𝐧𝐠 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟔.






Address

Ligao
4504

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 49th Infantry "Good Samaritans" Battalion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category