25/08/2026
Noong nakaraang Agosto 23, 2026, ganap na ala-una ng hapon, isinagawa ng Sangguniang Kabataan (SK) Council ng Tula-Tula Grande ang Linggo ng Kabataan 2026 at KK Assembly sa Tula-Tula Grande Barangay Hall Pavilion.
Bahagi ng programa ang presentasyon ng Annual Budget Report ng SK Council sa mga kabataan bilang pagpapakita ng transparency, accountability, at responsableng pamamahala. Layunin nitong maging bukas at malinaw sa mga kabataan ang mga programa, proyekto, at paggamit ng pondo ng Sangguniang Kabataan.
Nagkaroon din ng pagbibigay ng pagkilala at parangal sa mga kabataang aktibong nakilahok at nagpakitang-gilas sa iba't ibang aktibidad ng Linggo ng Kabataan, kabilang ang Pinoy Henyo at Quiz Bee.
Binigyang-pugay at parangal din ang ating mga Youth Board Passers mula taong 2024 hanggang 2026. Ang kanilang tagumpay ay patunay ng sipag, tiyaga, determinasyon, at dedikasyon sa pagkamit ng kanilang mga pangarap. Sila ay nagsisilbing inspirasyon sa kapwa kabataan na magsikap at patuloy na abutin ang kanilang mga mithiin. ππ
Kasunod nito, kinilala rin ang Volleyball Menβs Team ng Tula-Tula Grande matapos nilang makamit ang kampeonato sa LNK One Day League β Upland Edition, na ginanap noong Agosto 16, 2026 sa Paulba, Ligao City. ππ
Binigyang-parangal din ang mga kabataang nakilahok at nakipagtagisan ng galing sa Basketball, bilang pagkilala sa kanilang talento, dedikasyon, sportsmanship, at aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangkabataan. π
Ang Linggo ng Kabataan 2026 at KK Assembly ay naging isang makabuluhang pagkakataon upang ipagdiwang at kilalanin ang talento, tagumpay, dedikasyon, at aktibong pakikilahok ng mga kabataan sa ating komunidad.
Patuloy nating suportahan at bigyang-halaga ang bawat kabataang nagsisikap, nakikilahok, at nagbibigay ng positibong ambag sa ating barangay.
At, ang SKTTG ay taos pusong nagpapasalamat sa C & KSY Design sa walang sawang pag sponsor ng aming stage design simula opening hanggang awarding. Maraming salamat po!
Mabuhay ang Kabataan ng Tula-Tula Grande! π
Kabataan ngayon, lider ng kinabukasan! β¨π