22/03/2026
‼️ABANTE BABAE‼️
Ngayong Buwan ng Kababaihan, ating ipagdiwang ang lakas, talino, at walang-kapantay na ambag ng mga kababaihan sa ating lipunan. Mula sa mga makasaysayang lider na nagbukas ng pinto para sa karapatan at pagkakapantay-pantay, hanggang sa mga modernong babaeng patuloy na ipinaglalaban ang karapatan ng mga kababaihan sa iba't ibang larangan - sila ang patunay na ang pagiging babae ay hindi lamang isang pagkakakilanlan, kundi isang kapangyarihan.
Ang mensaheng "BABAE KA, HINDI BABAE LANG" ay paalala na ang bawat babae ay may sariling kwento, pangarap, at kakayahang baguhin ang mundo. At sa huli, ang karapatan ng mga kababaihan ay karapatang pantao—isang bagay na dapat nating ipaglaban at itaguyod hindi lamang ngayong buwan, kundi sa bawat araw. Ipagmalaki natin ang ating pagiging babae, at patuloy na maging inspirasyon sa isa't isa.🫶 💜
Pubmat: Raycel Bongalos
Caption: John Reign Bonabinte