PNP Albay Police Provincial Office

PNP Albay Police Provincial Office The Official page of Albay Police Provincial Office, the Home of Albay Kasurog Cops
(5)

Need to Know on Loose Fi****ms‎  ‎     ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎  ‎ ‎ ‎
04/06/2026

Need to Know on Loose Fi****ms













03/06/2026
Accomplishment on Anti-Illegal Drugs Operation From 12:00 AM of June 3, 2026 to 11:59 PM of June 3, 2026‎  ‎     ‎ ‎ ‎ ‎...
03/06/2026

Accomplishment on Anti-Illegal Drugs Operation
From 12:00 AM of June 3, 2026 to 11:59 PM of June 3, 2026













Verse of the Day Luke15:7Serbisyong NOELNARARAPAT, ORGANISADO, EPEKTIBO AT LAGING MAAASAHAN‎  ‎     ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎  ‎ ‎...
03/06/2026

Verse of the Day

Luke15:7

Serbisyong NOEL
NARARAPAT, ORGANISADO, EPEKTIBO AT LAGING MAAASAHAN













TABACO CITY POLICE, NAKIISA SA BRIGADA ESKWELA 2026 PARA SA LIGTAS NA PAARALANNakibahagi ang Tabaco City Police Station ...
03/06/2026

TABACO CITY POLICE, NAKIISA SA BRIGADA ESKWELA 2026 PARA SA LIGTAS NA PAARALAN

Nakibahagi ang Tabaco City Police Station sa Brigada Eskwela 2026 Kick-Off sa Tabaco National High School noong Hunyo 3, 2026 bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.

Pinangunahan ni PLTCOL VIRGIL B BIBAT, kasama si School Head Salve Estrella, ang aktibidad na nilahukan ng mga g**o, magulang, at boluntaryo. Binigyang-diin niya ang patuloy na suporta ng kapulisan sa kaligtasan ng mga paaralan sa pamamagitan ng police visibility, pagpapatrolya, at koordinasyon sa paaralan.

Alinsunod ito sa adbokasiya ni Mayor Rey Bragais para sa ligtas na kapaligiran sa edukasyon at sa Serbisyong NOEL ni PCOL NOEL DONATO NUÑEZ—Nararapat, Organisado, Epektibo, at Laging Maaasahan.

Nagtapos ang aktibidad sa paninindigang ipagpatuloy ang bayanihan para sa ligtas at maayos na pasukan.

PINAGMULAN:TABACO CITY POLICE STATION













PAG-ASA SA EDUKASYON: “HEPE SA KOMUNIDAD” GIFT-GIVING PARA SA OPLAN BALIK ESKWELA 2026–2027Sa bawat pagbubukas ng paniba...
03/06/2026

PAG-ASA SA EDUKASYON: “HEPE SA KOMUNIDAD” GIFT-GIVING PARA SA OPLAN BALIK ESKWELA 2026–2027

Sa bawat pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral, muling nabubuhay ang pag-asa sa puso ng bawat mag-aaral—pag-asang makamit ang pangarap sa tulong ng edukasyon. Sa Comun Elementary School, ang pag-asang ito ay mas pinatingkad sa pamamagitan ng “Hepe sa Komunidad” Gift-Giving Activity na pinangunahan ni PMAJ JOHN LOUISE SALVADOR S PACRES, Chief of Police, bilang bahagi ng Oplan Balik Eskwela 2026–2027.

Sa pakikipagtulungan ng Mayon DeMolay Alumni Chapter No. 10, matagumpay na naipamahagi ang mga school supplies at iba pang kagamitang pang-edukasyon sa mga mag-aaral. Ang simpleng handog na ito ay naging malaking tulong sa mga magulang at tagapag-alaga, lalo na sa paghahanda para sa pasukan, habang nagbibigay naman ng dagdag na inspirasyon sa mga bata upang mag-aral nang may sigla at determinasyon.

Hindi lamang ito isang aktibidad ng pamamahagi, kundi isang makabuluhang paalala ng kahalagahan ng pagtutulungan. Ipinakita rito ang matibay na ugnayan ng kapulisan, mga organisasyon, at paaralan sa pagtataguyod ng kapakanan ng kabataan. Sa sama-samang pagkilos, mas napatatag ang isang ligtas, maayos, at makabuluhang kapaligiran para sa pagkatuto.

Higit pa rito, ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa adhikain ng Serbisyong NOEL sa ilalim ng pamumuno ni PCOL NOEL DONATO NUÑEZ, Provincial Director ng Albay—Nararapat, Organisado, Epektibo, at Laging Maaasahan. Isang paalala na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa tungkulin, kundi sa malasakit at dedikasyon para sa kinabukasan ng bawat mamamayan.

Sa huli, ang ngiti ng mga batang tumanggap ng tulong ang nagsisilbing patunay na sa bawat munting pagkilos ng kabutihan, isang malaking hakbang ang nagagawa tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Pinagmulan:Tiwi Municipal Police Station













BABAENG LUMABAG SA KANYANG PROBATION, ARESTADOArestado ng mga operatiba ng Tabaco City Police Station ang isang babaeng ...
03/06/2026

BABAENG LUMABAG SA KANYANG PROBATION, ARESTADO

Arestado ng mga operatiba ng Tabaco City Police Station ang isang babaeng wanted person sa Tabaco City bandang alas-5:05 ng hapon noong Hunyo 3, 2026.

Kinilala ang akusada sa alyas “MARIA ,” 31 taong gulang, residente ng Tabaco City. Siya ay inaresto sa bisa ng Joint Order na inilabas noong Hunyo 3,2026, kaugnay ng pagbawi ng kanyang probation matapos lumabag sa mga itinakdang kondisyon nito. Ang kaso ay may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kaagad na ipinaalam sa akusada ang kanyang mga karapatan sa wikang kanyang nauunawaan. Dinala rin siya sa Ziga Memorial Hospital para sa kaukulang medical examination bago isinailalim sa kustodiya ng Tabaco CPS. Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Tabaco CPS ang suspek para sa tamang disposisyon.

Ang matagumpay na operasyong ito ay sumasalamin sa pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad at iligal na droga, alinsunod sa Serbisyong NOEL sa pamumuno ni PCOL NOEL DONATO NUÑEZ, Provincial Director ng Albay—Nararapat, Organisado, Epektibo, at Laging Maaasahan.













LALAKING WANTED SA QUALIFIED THEFT, ARESTADO SA MANITONaaresto ng mga operatiba ng Manito Municipal Police Station ang i...
03/06/2026

LALAKING WANTED SA QUALIFIED THEFT, ARESTADO SA MANITO

Naaresto ng mga operatiba ng Manito Municipal Police Station ang isang lalaking wanted sa Manito, Albay bandang alas-7:10 ng gabi ng Hunyo 3, 2026.

Kinilala ang suspek sa alyas “JUAN ,” 31 taong gulang, residente ng Legazpi City. Siya ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Pebrero 18,2026, kaugnay ng kasong Qualified Theft sa ilalim ng Revised Penal Code, na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱40,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang akusado sa Manito Municipal Police Station para sa booking at dokumentasyon, at sumailalim sa medical examination bago pansamantalang ikulong.

Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng patuloy na pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Albay, alinsunod sa Serbisyong NOEL sa pamumuno ni PCOL NOEL DONATO NUÑEZ, Provincial Director ng Albay—Nararapat, Organisado, Epektibo, at Laging Maaasahan.












Say No to DRUGS‼️‼️‎  ‎     ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎  ‎ ‎ ‎
03/06/2026

Say No to DRUGS‼️‼️












Balik-Eskwela Safety TipsMga Dapat Tandaan sa Papalapit na Pasukan‎  ‎     ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎  ‎ ‎ ‎
03/06/2026

Balik-Eskwela Safety Tips
Mga Dapat Tandaan sa Papalapit na Pasukan













Address

Camp Captain Salvador Jaucian Del Rosario Sr. , Brgy. Sta. Cruz
Ligao
4504

Telephone

+639671954400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Albay Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP Albay Police Provincial Office:

Share